Page 10

2 0 0
                                    

Denise POV

Kinabukan, pinilit kong hunarap kay chelsy ng parang walang nangyari hindi maganda kahapon.

"Hi friend! I miss you! " masaya kong sabi sakanya sabay yakap sa kanya.

"May problema no? " seryosong tanong ni Chelsy. Kumalas sa yakap namin at humarap sakin.

"Nakita kitang umiiyak kahapon.  Anong nangyari? "

"Wala a! "

"Magsisinungaling ka pa!  Anong nangyari pinaiyak ka ba ni Kara? Ano?!"

Umiling ako at yumuko. "Dapat aamin na ako kay Patrick kaso bigla niyang sinabing mahal niya daw si Kara tapos gusto niyang tulungan ko sya. "

"Tapos umoo ka? Nagpakabayani ka na naman? " seryoso niya ako tiningnan. "Gaga ka ba talaga?! Sinasaktan mo yung sarili mo! "

Kinagat ko yung ibabang labi ko para hindi tumulo yung luha ko sa sinabi ni Chelsy.

"Alam ko naman pero last na to" mahina kong bulong. "pagkatapos nito kakalimutan ko na sya. " ngumiti ako sakanya. "Tulungan mo ako a? "

"Baliw ka. "

-----

Pagsapit ng uwian kinausap ko si Kara.

"Kara, pwede bang dito ka lang?"

"Bakit? May sasabihin ka ba? "

Umiling ako sakanya at inayos yung nagulo niyang buhok. "Wala, pero dito ka lang ha? Please?"

Naguguluhan syang tumango sakin.

Tumalikod ako at lumabas na ng room. Dumiretso agad ako sa room nila Patrick para hanapin sya.

"Last na talaga to.. " bulong ko sa sarili ko.

Nang maaninag ko na si Patrick agad kong hinawakan ang kamay niya at humarap sakanya.

"Sumama ka sakin... " seryosong kong sabi habang nakatitig sa kanya.

"Ha? Saan? "

"Basta.." tipid kong sagot at hinila na sya sa room kung saan nasa loob si kara.

"Ano bang meron Denise? " tanong ni Patrick ng huminto kami sa harap ng room kung saan nandun si Kara.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Patrick.

Ito na yung huling beses na tititigan kita, huling beses na to kaya susulitin ko na.

"Denise... "

"For the last time gusto kong tulungan ka.. Nasa loob si Kara gawin mo na lahat para magustuhan ka niya. Wag mo sasayangin to ha?  Kasi last na to." huminga ako ng malalim at ilang beses akong pumikit para pigilang wag umiyak.

"And for the last time.. Gusto kong sabihin sayo na bago mo pa man ako makilala mahal na kita.. "

"Denise.. " lumapit sya sakin pero unti unti akong umatras at umiling.

"Ayos lang.. Alam ko naman na hindi mo ako gusto. " pilit akong ngumiti at huminga ng malalim.

"Pumasok ka na sa loob.. Hinihintay ka na niya. "

Yumuko sya at unti unting tumalikod. "Im sorry.. "

Parang tumigil yung oras ng huminga sya ng tawad. Sa puntong yun alam ko ng kailangan kong tanggapin na kahit paulit ulit kaming magkita magiging ordinaryong araw lang yun sakanya habang pinakamasayang araw yun para sakin.

Siguro nga ako yung magiging importanteng bahagi ng kwento nila para magkaroon ng sila..

Tanggap ko na...

End.

SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon