Sabi mo! Sabi mo ako lang wala ng iba
Pero sabi mo lang pala
Bakit? Bakit hindi ka nakuntento?
Nagkulang ba ako?
Ano bang nagawa ko? Sabihin mo
Mahal kita, kaya handa akong magpakumbaba, tanggapin ka ulit at magbago. Kalimutan ang sariling ako, kahit napakahirap nito, balikan mo lang ako.
Balikan mo lang ako mahal.
Mahal!
Kakalimutan ko ang lahat ng sakit
Ituturing ko itong isang masakit na panaginip
Ibabaon sa limot ang lahat at ibabalik ang tiwalang nawala na minsan ng nawaglit.
oo mahal ganon ako katanga yan ang sabi ng iba. Ganon nga siguroako katanga para magmakaawa pa sayo kahit alam kong wala na.
Mahal pinilit ko naman , pero hindi ko talaga kaya , taon na nga ang lumipas diba? Pero heto ako hinahanap hanap ka parin na Kahit alam kong may mahal ka ng iba ay patuloy parin akong umaasa.