Pasensya Ka Na

32 3 0
                                    

By: Carlo Lara

Pasensya kung nahulog bigla
Damdamin kong hindi mapigilan sa pagsasalita
Kinakausap kita biglaan ng sobra-sobra
Isipan kong magulo, makalimutan ko nalang sana

Sa mga salitang nabitawan noon
Hindi na mababawi ngayon
Sa panandaliang panahon ang nakalipas
Pagtingin sayo'y tuluyang kumukupas

Tignan ang mga ulapin at iyong makikita
Nagninigning ang mga bituwin, mistulang maligaya
Langit na kay dilim, nagsasaad ng pangamba
Nagbababala na huwag agad mahulog sa isa't-isa

Poetry HubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon