By: Carlo Lara
Panahon ng walang kasiguraduhan
Paligid ay puno ng kadiliman
Nakatitig sa kawalang-hangganan
At syang walang patutunguanPanahon na ba upang sumuko
Tatalikuran ko na ba ang aking mga pangarap?
Iiwan ko na ba ang aking mga minamahal sa mundo?
Lalaban pa ba ako?Lalaban sa pagsubok na kay hirap malagpasan
Lalaban sa aking mga kinakatakutan
lalabanan ang mga masasamang demonyo na tumitira sa isipan
At lalaban pa ba ako para sa aking kinabukasan?