Tulak ng isip ay dapat isaalang-alang
Ngunit ang tibok ng puso ay dapat igalang
Minsan may mga bagay na di talos ng isip
Tanging puso sa dibdib ay siyang nakaliripMga salitang karaniwan
Ngunit mahirap maintindihan
Lalo na kung konsensya na ang pinag-uusapan
Kailangan pag-isipan upang budhi ay malinawanSa mga kabataan ang isip ay sa mabuti ilaan
Ipairal ang gawaing makatao at makabayan
Nang tagos sa puso na kasayahan
ay makamtan, at di kasawian.Tanging payo ng magulang
At gabay ng Makapanyarihan sa lahat
Upang ang bawat desisyon ay may buting dapat
Nang ang Gawain sa kapwa ay maging marapat