←★==♥==☆==♥==★→
CHAPTER 2
BACK TO MORTALIX
(the birth)
←★==♥==☆==♥==★→LINA
"Nasa Mortalix na ako"sabi ko namay tuwa't halong lumbay
Tumayo ako ng dahan dahan sa damuhan medyo hilo pa ako. Kasi pag pumasok ka sa portal parang nagbiyahe ka na sumakay sa eroplano. Medyo naninibago pa ako dahil ibang iba na ang Mortalix sa naaalala ko noong bata pa ako. Umuunlad na rin pala ang planetang ito.
Dahil iba ang time difference ng demensiyon namin dito sa Mortalix na abutan ko pa ang payak na pamumuhay ng mga tao. Lalo na dito sa Pilipinas. Ito pa yung panahon namay pananiniwal pa sila sa mga tulad naming mga diwata. Nasaksihan ko rin ang pagmamalupit ng mga ibang lahi sa mga Pilipino noong sinakop sila. Hindi kami puwedeng makialam noon sa mga kaguluhan dahil meron kaming batas sa demensiyon namin na maaari lang namin silang tulungan sa malilit na paraan pero hindi kami puwedeng makialam.
Pero ngayon bihira nalang ang naniniwala sa aming mga diwata. Ang ibang mga diwata dito sa Mortalix ay namamalagi sa mga gubat,bundok,dagat, at sa ibat ibang panig ng mundo nagproprotekta sa mga likas na yaman meron ding mga diwata na isinuko ang kapangyarihan nila para mamuhay dito tulad ng normal na tao.
Nag simula na akong mag lakad. Nilibot ko ang aking paningin sa aking pqligid upang hanapin ang bahay ng ajing ina. Siya nga pala si Glasia Emeralda Wiston. Habang naglalakad ako ay may nararamdaman akong mga soulercx sa paligid. Tila ordinaryo lang ang mga ito dahil nagmula ang mga ito sa mga Mortal.
Pilit kong hinahanap at pinakiramdaman ang soulercx ni Mama ngunit hindi ko ito masagap. Para bang humina na ang aking komunikasyon sa aking ina. Nag pahinga muna ako sa isang karenderya.
"Magandang gabi po" masiglang bati ng batang lalake
"Napakacute mo naman" papuri ko sakanya
"Pasensiya sa abala"paumanhin ng babaeng kasama ng bata medyo na mumukahan ko ang babaeng lumapit sa akin para bang pamilyar
"Ayos lang hindi naman siya nakakaabala"sabi ko
"Magisa kalang ba?" Tanong niya
"Oo nag iisa lang ako" sagot ko
"Ako ng apala si Saffira" pakilala niya
"Nice to meet you, Ako nga pala si Lina" sabi ko sabay nakipag kamay kay Saffira
"Hala mag isa kalang ba? Nasaan ba ang asawa mo dapat sinasamahan ka niy at baka mapano ka delikado yun para sayo" sabi niya sa akin
Napalitan ang ngiti ko ng lungkot nang ma isip ko si Alon dahil sa sinabi ni Saffira.
"Ayy!... pasensiya may nasabi ba akong mali" sabi niya
"Hindi mo na kailangang humingi ng tawad" sabi ko sa kaniya
"Ang cute naman ng anak mo!" Papuri ko
"Siyanga pala si Denzell"pagpapakilala niya
Makalipas ng ilang minuto umalis na sila Saffira at ang anak niyang si Denzell dahil sinundo sila ng asawa niya. Umalis narin ako at patuloy kong hinahanap ang bahay ni Mama.
Nang bilang may naramdaman akong pamilyar na soulercx. Alam ko kung kanino ito galing. Sinundan ko ang enerhiyang iyon hanggang makarating ako sa isang bahay.
YOU ARE READING
ELEMENTAL FAIRIES
Viễn tưởngThis story was made by the author's imagination The history of Magic demention the Universe of Enchansiya continues when a girl was born. She is Anita Sandra Taylor. She will be tested and create her own journey. Day pass by she feel being lonely an...