CHAPTER 4 FRIENDS OR ENEMIES

215 10 0
                                    

←★==♥==☆==♥==★→
CHAPTER 4
FRIENDS OR ENEMIES
←★==♥==☆==♥==★→

THIRD PERSON

Araw na ng pasukan nagsidatingan na ang mga estudiyante sa paaralang pinasukan ni Anita. Sa lugar nila ang paaralang ito ay pinapasukan ng mga mayayaman at kilalang tao. Kahit simple lang ang pamumuhay ni Anita nakakapasok siya sa mga ganitong paaralan dahil sa mga tinatagong yaman ng  kaniyang pamilya. Kung tutuosin man siya ang pinakamayamang bata sa lugar nila pero mas pinili nalang ng Ina ni Anita na itago ito.

Sanay naman na si Anita na makipagsalamuha sa ibang mga bata. Pero hindi siya na impluwensiyahan ng mga ugali nila. Siya ang uri ng estudiyanteng tahimik ngunit may ibubuga hindi katulad ng iba na parang latang walang laman na puro luho ang alam.

Nag simula ang klase ng mga estudiyante 7:30 ng umaga. Dahil unang araw palang ni Anita sa paaralang iyon pumunta siya sa puwesto doon sa likuran. Kung ano anong bulungan ng mga classmates ni Anita ang naririnig niya.

"Sino ba yung batang yan?"

"Siya daw yung bagong lipat dito saantin"

"Her family is the owner of the Winston mansion"

"Are you sure?"

Inilabas nalang ni Anita ang isang libro na tungkol sa mga Diwata at binasa iyon. Sa isip ni Anita mas mabuting basahin niya nalang iyon kaysa pakinggan ang mga bulung bulongan ng mga classmates niya. Nang may lumapit na dalawang babaeng classmates ni Anita sa kaniya. Tumigil sa pagbabasa at tinignan ni Anita ang mga ito sabay ngiti.

"Kamusta bago kalang ba dito sa lugar na ito?" Tanong ng unang bata sa kaniya

Tumango lang si Anita matipid nitong sagot sa unang bata at ibinalaling niya ang atensiyon sa kaniayng binabasa.

"Wow ang ganda naman ng binabasa mo" papuri ng ikalawang bata

Napalingon ulit si Anita na parabang natuwa ito sa sinabi ng bata sa kanya.

"Ako nga pala si Anita" pagpapakilala niya

"Nice to meet you Anita. My name si Cilyn" pagpapakilala ng unang bata sabay nakipag handshake kay Anita

"Nice to meet you too Cilyn. How about you what is your name?" Tanong ni anita sa pangalawang bata

"Oh... Hi my name is Cebrina" pagpapakilala ng ikalawang bata

"Anita tumabi kanalang sa amin doon" sabi ni Cebrina sabay turo sa mga upuan malapit sa bintana

"Mas maliwanag doon at mababasa mo ng mabuti yang libro ang dilim kaya dito" sabi naman ni Cilyn

"Oo nga ehh...sige lilipat nalang ako" sabi ni Anita

Nang makaupo si Anita sa tabi nila Cilyn at Cebrina nag simulang mag kuwento ang dalawa tungkol sa kanila masayang nakinig si Anita na parabang lubusan niya nang kilala ang mga ito. Sumapit 8:00 ng umaga nang nakadating ang kanilang guro dahil sa biglaang meeting. Nagsiayos ang mga classmates ni Anita bumalik sa kani kanilang upuan.

Lumapit ang guro sa black board at isinulat ang kaniyang pangalan

"Ako nga pala si Maria Menenzuwela Monayka Manilyn E. Mendoza" pag papakilala ng kanilang guro"But you can call me Ma'am Zena" dagdag niya

ELEMENTAL FAIRIESWhere stories live. Discover now