7- Yen and Priya

172 86 7
                                    

LISA MANOBAN'S POV

"Ang bagal bagal mo naman" sigaw ni Yen. Na nauuna na saakin. Huhu! Bakit ba kasi ang bagal kong tumakbo e.

"Hindi naman kasi ako mabilis tumakbo kagaya mo!" sigaw ko pabalik. Hinihingal na ako pero tuloy-tuloy parin ako sa pagtakbo.

"Iwanan na kita jan hahaha!" Sabi niya habang binibilisan pa lalo ang takbo. Namayani ang takot sa sistema ko. Please Yen! Wag mo akong iiwanan.

"Wag mo 'kong iwan Yen!"naiiyak na tawag ko sa kanya kaya tumigil siya at lumapit sa'kin. Tumulo ang luha sa mata ko na mabilis nyang pinunasan gamit ang hinlalaki nya.

"Hindi kita iiwan priya diba magpapakasal tayo paglaki natin?" Nakangiting sabi niya. Nabuhayan ako nang loob kaya napangiti ako.

"Talaga?" masayang sabi ko.

"Oo kaya hinding hindi kita iiwan." paninigurado niya saakin kaya yinakap ko sya.

"Promise?" tanong ko at saka itinaas ang maliit na daliri ko. Napangiti sya.

"Promise" sagot niya sabay taas din ng kanyang maliit na daliri.

"HOY gumising ka Lisa! Kadiri tulo pa laway mo sa kotse ko!" nandidiring sabi sa akin ni Taehyung kaya nagising ako.

Ang weird ng panaginip ko. Ako ba yun? Sino si Yen at bakit Priya ang tawag niya sakin? Ugh! Bahala na paniginip lang naman yun at hindi naman yun magkakatotoo.

"Ang arte mo naman! Wala ka bang laway huh? Ipalunok ko sa'yo laway ko eh!" Sigaw ko sa kanya sabay labas ng kotse niya.

Nakita ko naman na lumabas din siya na tila naasar sa sinabi ko. Nakangisi sya habang palabas nang kotse. Oh no.

"WAH! JOKE LANG YUN E! KYAH!" sigaw ko habang hinahabol niya 'ko.

"Kadiri kang babae ka!" Sabi niya habang tumatakbo kami. Hinihingal na ako pero patuloy parin ako sa pagtakbo.

"Waaaaaaaah!" Sigaw ko ng mahabol niya ko. Napayakap sya sa bewang ko para hindi ako makaalis. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya nailang ako.

"Ba't namumula ka? Ay tsk! May gusto ka nga pala sakin!" nang-aasar na sigaw niya. Nagtitigan muna kami at kinuha ko na yung pagkakataon na yun para habulin siya.

"Ang kapal ng mukha mo! Kapag ikaw naabutan ko malilintikan ka sakin!" sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon na tinatahak nya.

"Sus! Malilintikan sa halik? Ayie! crush niya ko!" sabi niya habang tumatakbo. Napailing nalang ako sa inis!

Isinigaw pa! Ang dami pa namang taong nakatingin sa'min dito sa park huhuhu. Pinagtitinginan na kami nang mga tao pero hindi parin kami humihinto.

"Kapal mo epal!" Sagot ko nalang dahil hinihingal na rin ako at wala na akong lakas para magsalita pa.

"Ang bagal bagal mo naman!" natatawang sabi niya. Nauuna na kasi sya saakin at hindi ko na sya mahabol pa. Argh! Kaasar 'to!

"Hindi naman kasi mabilis tumakbo kagaya mo!" naiinis na sigaw ko habang patuloy ko pa rin siyang hinahabol.

Bakit feeling ko nangyari na rin 'to sa'kin noon? Nangyari nga ba o sadyang feelingera lang ako? Saan ba to nangyari? Pero imposible, ngayon ko lang nakilala si Taehyung.

"Iwanan na kita jan hahaha!" nang-aasar na sabi niya.

Hala huhuhu ang dilim na dito sa parte na 'to. Napalayo na kami sa park. Baka may multo dito. Takot ako sa multo. Pero may nagsabi saakin noon na hindi dapat ako matakot doon. Pero-- takot talaga ako!

War on LoveWhere stories live. Discover now