Chapter 11- The past
LALISA MANOBAN'S POV
"Uwi na tayo! Antok na 'ko ih!" pag-aaya ko sa kanila at sumang-ayon naman sila.
Aalis na sana kami pero bigla akong tinawag ng kalikasan. Naiihi ako!
"Uy iihi lang ako ah? Wait niyo 'ko dito" sabi ko at tumango naman sila.
Hinanap ko yung CR pero nakita ko rin agad! Pumasok na ako para makaihi na kasi hindi ko na talaga kaya. Huwaaaah ang dilim pa dito, hindi ba uso yung ilaw? Baka mamaya may mumu dito huhu.
Lumabas na ako sa cubicle at naghugas ng kamay nang biglang may narinig akong yabag ng paa. Tumingin tingin ako sa paligid pero walang tao! Waaah may mumu! Sabi nila mommy hindi totoo 'yun pero bakit meron!? Huwaaaaah!
"Hello miss" lumingon ako sa nagsalita pero bago ko pa makita ang mukha nya ay bigla nya akong pinalo ng kahoy sa ulo.
I didn't know what happened next because everything went black.
JENNIE KIM'S POV
"Ang tagal naman nung babaeng 'yon! Akala ko ba iihi lang? Bakit parang tumae?" reklamo ni Jin.
"Wag ka ng magreklamo, nakisabit na nga lang kayo tapos ganyan pa. Tsk, nasaan ang manners? Nasaan ang 'hiya'?" naiiling na sabi ni Jimin.
At ako tahimik lang dito dahil hindi ko maiwasang mag-alala. Like duh! Kung natatae si Lisa pipigilan niya at hihintayin niya nalang makauwi kami kasi nahihiya siya. Pero kung umihi lang siya bakit ang tagal tagal nga niya!? My gosh.
"Puntahan ko na kaya?" tanong ko.
"Sige sasama ako" presenta ni V na halatang balisa.
"Maghintay kayo dito" sabi ko bago kami umalis papuntang CR.
Pagtapat namin sa CR ay binuksan ko agad ang knob pero naka-lock ito kaya naman kinakabahang napatingin ako kay Taehyung.
"I-it's locked" nauutal na sabi ko.
Ilang sandali pa ay nagulat ako ng pwersahang tinadyakan ni Taehyung ang pintuan sapat na para bumukas ito.
"What the fuck, Priya!" sigaw nito ng makita naming duguan ang ulo si Lisa habang nakahandusay.
Pero teka, Priya? Weird.
"Tumawag ka ng ambulansya!" sigaw ni V na nagpabalik realidad sa akin.
Agad-agad naman akong lumabas para tawagin sila Jimin.
"T-tumawag kayo ng ambulansya!" natatarantang sigaw ko sa kanila.
"Huh? Bakit!? Anong nangyari? Nasaan sila Lisa!?" balisang tanong ni Jisoo.
"Naabutan namin ni V na duguan ang ulo ni Lisa at nakahanusay sa CR" napapikit ako habang inaalala ang itsura ni Lisa.
Nakita ko naman na tumawag na ng ambulansya si Jin. At yung iba ay tumakbo papuntang CR kaya sumunod na ako.
Naabutan namin si V na malalim na nag-iisip at halatang galit na galit.
"Ang kahoy na 'yan ang paniguradong ginamit para ihampas sa ulo ni Pri--ni Lisa" madiin na pagkakasabi niya.
Natataranta ako dahil sa dami ng dugo na nagkalat dito. Marami na rin tao ang nakapalibot sa labasng CR na ito.
Maya maya pa ay dumating na ang ambulansya.
JISOO KIM'S POV
"Tayo na diba?" nakangising tanong ni Suga sa'kin.
"H-hindi ah! W-wala naman akong s-sinasabi!" nauutal na sagot ko.
"Sinabi mo 'yun kagabi nung lasing ka" sabi niya.
"Lasing lang ako n-no'n!" nauutal na sigaw ko.
Totoo naman eh!
"Walang bawian, tayo na" nakangiting sabi niya.
Yung gums enebe! Waaaah!
"O-okay" sagot ko.
HUWAAAAH BAKIT AKO NAG-OKAY!?
"Hindi pal---!"
Asdfghjkl! Ninakawan akong halik sabay takbo huhu!!
"Bukas ulit!" natatawang sabi niya habang tumatakbo.
Madapa sana siya!
Nakakainis! Pero waaah kinikilig ako!
Kinabukasan..
*beep beep*
From: Suga
Kita tayo mamaya sa Seoul Park ♥
Waaah! Ang aga aga pero ang swet sweet ni Suga! Hanuba yoongumsh hihi!
Nagmadali akong magbihis at saka dumeretso sa park.
Wala ng ligo ligo hahaha! Nagbihis ako ng maganda at nagpabango ng todo.
Tinawag ko ang driver at nagpahatid sa park.
"Maghintay ka nalang kuya, saglit lang naman ako" sabi ko kay kuya Juan.
Driver na namin siya hindi pa 'ko buhay. Loyal Driver wahaha!
Hinanap ng aking paningin si Suga at labis akong nagulat nang makita ko siya.
He's passionately kissing someone.
Nilapitan ko sila upang makasiguro kahit alam kong siya talaga 'yun. Lumingon si Suga at nagulat nang makita ako.
"Jisoo? Anong ginagawa mo rito?" parang tangang tanong niya.
"You asshole! Ikaw ang nagpapunta sa'kin dito! Tapos ano? Makikita kitang may kahalikan!? Ano 'to gaguhan?" galit na sigaw ko sa kanya.
"Sor--"
"Shut up!" pigil ko sa kanya sabay lingon sa babae. "Ikaw naman, ang landi landi mong punyeta ka. Kilala mo ba 'tong lalaki na 'to at basta basta ka nakikipaghalikan sa kanya?" Mataray na sabi ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya.
"I don't get you girl. Look, who ever you are just stay away from us because i'm HIS GIRLFRIEND" pagpapaliwanag pa niya. Lumingon ako kay Suga para kumpirmahin kung totoo nga ang sinasabi nito.
"Totoo ba?" mahinahon na tanong ko.
"Mianha---" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya ng malakas.
"How dare you to slap him? Bitch" singhal sa akin nung haliparot.
"How dare you to talk to me? You're a stranger yet a slut" balik sagot ko.
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad palayo. Bumuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Nakita ko ang kotse at pumasok na doon.
"Kuya, u-umuwi na tayo" nauutal na sabi ko.
"Sige ma'am--oh teka bakit ho kayo umiiyak?" nag-aalalang tanong ni kuya.
Naalala ko yung mga sinabi ko about kay kuya juan. Buti pa yung driver loyal eh siya?
"Napuwing lang ako, tapos kinagat pa ng langgam kaya ganyan" palusot ko.
Asa naman akong maniniwala siya.
Palagi nalang ba?
***
A/N: Sorry sa super duper late update! Nalilimutan ko kasi saka busy sa pagsusulit ng bakasyon! Don't forget to vote and comment for this chapter.
By:DosEternity
YOU ARE READING
War on Love
FanfictionFour troublesome woman also known as the famous girlgroup in korea BLACKPINK are dealing with their families for them to become independent. They will do anything just to have an own residence and live their life to the fullest. Unexpectedly, they'v...