Chapter 1

304 70 76
                                    


Twelve midnight na ng gabi at halos lahat ng tao sa mansion nila Aleczia ay tulog na,except sa security guard nilang twenty four hours ang duty. Though hindi sila gano'n karami dahil ang dad lang naman niya ang kasama niya dito including their five maids,three drivers and three security guards.



Wide awake pa siya dahil hindi pa'rin naman siya dinadalaw ng antok,kaya naman wala siyang ginawa sa kwarto niya kung hindi ang gumulong gulong sa malaki at malambot niyang kama,o kaya naman ay magbrowse ng magbrowse ng mga messages sa cellphone niya na walang ibang  mababasa kung hindi ang mga lalaking nag aadmire at patay na patay sa kanya.



Hindi naman talaga siya mahilig magkaroon ng conversations thru chats pero dahil bored siya ay pinag-tyagaan nalang niya ang makipag-usap sa mga lalaking nagpapapansin sa kanya doon. Basketball varsities,athletes,Gwapo,mayayaman at halos sikat na lalaki rin naman ang lahat ng nakakausap niya. Ilang saglit pa ay napagod na siya sa kaka-type at pakikipag-usap sa mga 'to kaya agad niyang inihagis ang phone niya,which is sa kama lang naman rin niya lumanding kaya hindi ito nasira or what.



Agad siyang umupo sa kama niya at nag indian sit saka bumuntong hininga.Muli niyang kinuha ang phone na hinagis niya sa kama at saka dinial ang phone number ng bestfriend niyang si Biel. Yes,she has a bestfriend,one and only.It's Biña Eliz Cruz but she calls her by its nickname,Biel. Their friendships began ten years ago and still counting.


Ilang beses siyang nag-dial sa number ng kaibigan pero wala manlang sumasagot. Sa sobrang bored niya ay tumayo siya at naglakad papuntang closet para mag-ayos at magbihis.

Nang makapag-ayos ay maingat niyang binuksan ang pintuan ng kwarto niya at sinigurong hindi siya makakalikha ng kahit na katiting na ingay. Mabilis at maingat din siyang naglakad sa hallway hanggang sa pagbaba sa hagdan papunta sa driver's room.


Sa totoo niyan ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos at parating naba-bother dahil sa kinikilos ng bestfriend niya these past few days. Napansin niyang hindi na siya masyadong kinaka-usap at kini-kibo nito kaya naman naiinis siya dahil hindi niya manlang alam ang dahilan. Pansin niya ring umiiwas 'to sa kanya. Sa ten years na magkaibigan nila ay ngayon lang naging ganyan kailap sa kanya si Biel kaya naman super na ba-bother siya rito,the reason why she can't sleep.

Pagkarating sa tapat ng driver's room ay lumingon-lingon muna siya sa paligid, para masigurong walang tao at saka niya maingat na binuksan ang pintuan ng driver's room. Pagkabukas ay agad na tumambad sa kanya ang napaka-dilim na kwarto dahil nakapatay ang ilaw nito. Agad niyang pinindot ang switch ng ilaw upang mapabilis ang pagkuha sa bagay na pakay niya. Walang iba kundi ang Car's key.

Sobrang himbing ng tulog ng tatlong driver kaya naman hindi nito naramdaman na nakapasok na si Aleczia sa kwarto nila para kunin ang susi ng kotse.

Sa hindi mabilang na beses na napagalitan ng daddy niya ang mga driver nila dahil parati nitong kinukuha ang susi ng kotse ng hindi nila namamalayaan,kaya naman natuto na silang itago ito sa lugar na hindi alam ni Aleczia. But Aleczia is still Aleczia ,kaninang hapon ay napadaan na siya sa kwarto ng driver's room kung saan saktong pagdaan niya rito ay nakita niya kung saan inilagay ng isang driver nila ang  susi ng isa nilang kotse dahil nakabukas ng bahagya ang pinto nito.


Dumiretso siya sa uluhan ng isang driver at dahan-dahang kinuha ang susi sa ilalim ng unan nito. Sadya atang sobrang pagod ang driver kaya hindi nanaman nito namalayan na nakuha nanaman ni Aleczia ang susi.

The Two Heart Breakers [Under Editing]Where stories live. Discover now