Chapter 7

134 51 16
                                    

———

CALIXTO's POV

Nasa field ngayon si Calixto,alam niya kasing may ibang taga university ang darating para bumisita sa campus nila. Sigurado siyang dito sa field ang diretso ng mga 'yon kaya eto siya ngayon. Nagsa-sight seeing ng mga magagandang babae na pwede niyang gawing libangan.

Kadarating niya lang sa field at halos wala pang ilang segundo ay nararamdaman na niya ang mga babaeng nagtitinginan sa direksyon niya. Hindi sa pagiging assuming pero talagang nakuha niya  ang atensyon ng mga 'toh.

Bukod sa sikat siya sa campus na'toh ay hindi naman makakaila ang nakakasilaw niyang ka-gwapuhan.

May mga naririnig siyang tilian at sigaw na binabanggit ang pangalan niya. Napangisi naman siya dahil dito.

Narinig niya ang isang malakas na tili at sigaw sa pangalan niya sa bandang kaliwa kaya naman agad siyang napalingon dito. 

Grabe! Akala mo ay isa siyang celebrity kung pagkaguluhan.

Naramdaman niya na palapit na sa direksyon niya ang mga kababaihan.

"I love being a magnet." Bulong niya sa sarili.

He always call his self as a magnet. Kagaya kasi ng totoong magnet ay kusang dumidikit ang mga bagay bagay dito. At sa posisyon niya,kusang lumalapit ang mga babae sa kanya.

Nang padami na ng padami ang babaeng nakapaligid sa kanya ay may napansin siyang nag iisang babae sa di kalayuan na tumalikod at naglakad na paalis.

Curiosity hits him dahil mukhang ito lang ang hindi nasilaw sa ka-gwapuhan niya.

"Alien ba ang babaeng 'yon." Bulong niya sa sarili.

Hindi na siya nagdalawang isip na sundan ang babaeng 'yon. Looks like he found his target.

Medyo natagalan siya sa pag-alis sa puwesto dahil pinaliligiran na siya ng mga chikas.

Nang maka-alis sa ay agad siyang nagmadali para maabutan ang babae,pero agad din siyang napatigil ng may mapansin.

"This can't be,man." Bulong niya sa sarili.

Paano ba naman kasi,naalala niyang buong buhay niya ay hindi pa siya nag-habol sa isang babae. Tapos ngayon ay halos lakad takbo siya para lang maabutan ang babaeng hindi manlang nasilaw sa kagwapuhan niya.

Tinignan niya ito pero may isang lalaki na ang lumapit dito.

Napakunot naman ang noo niya ng makilala kung sino ang lalaking 'yon.

"Si Zandro?" Bulong niya sa sarili.

Nai-kuyom niya ang kamao sa hindi malaman na dahilan. Pero sa tingin niya ay dahil nadin sa nakita niya ang pagmumukha ng lalaking 'yon.

Mahigpit na kaaway ng grupo nila ang grupo ni Zandro. Pero kung tutuusin,wala itong ibubuga sa kanya dahil minsan na niyang binangasan ang mukha nito.

Naglakad paalis ang dalawa pero nanatili pa din siyang naka-tingin dito.

Wala na dapat siyang balak na sundan ito pero may sariling isip ata ang mga paa niya dahil kusa itong naglakad papunta sa direksyon ng dalawa.

Mukha namang hindi napansin ng mga 'toh na nakasunod siya. Hanggang sa makarating sila sa hidden cafeteria.

"This is so annoying." Hindi makapaniwala niyang sinabi sa sarili.

Nasa loob na din kasi siya ng cafeteria at naka-upo malapit sa entrance. Habang sila Zandro at ang babaeng kasama nito ay ilang table ang pagitan mula kay Calixto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Two Heart Breakers [Under Editing]Where stories live. Discover now