🍸 The Bitter Stranger 🍸

1.8K 72 2
                                    

🍸 BitterSweet and Strange 🍸

HALOS makakalahati ko na ang laman ng wine bottle na nasa table. Tensed na tensed ako ngayon dahil magkikita sina Sophie at Mae. Hindi ko pa nasasabi kay Mae ang dahilan kung bakit ko siya pinapapunta ngayon sa resto ko. Mas gusto kong sabihin sana ng personal. Sabi naman niya ay pupunta siya kahit pa halatang-halata sa tono ng kanyang boses kanina  na malungkot siya. Siguro dahil sa inasta ko. Gusto ko ring personal na humingin ng tawad sa kanya.

"Hey." Untag ng isang tinig.

Bago pa man din lumapit sa pisngi ko ang labi ni Sophie ay nakaiwas na ako. Natigilan siya saglit pero gaya ng lagi niyang ginagawa ay hindi na lamang niya iyon pinansin. She sat down across from me.

"Where's your girlfriend?" She asked while raising her brow.

"She's on her way." I answered nonchalantly.

"Oh, yeah? Bakit hindi mo naman sinundo?" Anas pa niya habang nagsasalin ng alak sa kanyang kopita.

"Bec—"

"Vash!"

Automatikong napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Boses pa lang ay alam na alam ko ng si Mae iyon. My heart fluttered seeing her tonight. Stunning as always. Agad akong tumayo para salubungin siya. Well, my body was like moving on its own without my mind thinking for the next move. Nang makalapit ako kay Mae, sinalubong niya ako ng isang matamis na ngiti. The thing that I liked about her, she seemed to forget easily.

Dahil sa ngiting iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. I grabbed her waist and claimed her lips. For a moment, she was stunned. So was I. How come I dared to do that? Pero naramdaman ko rin kaagad na tumutugon na siya sa halik ko atsaka siya marahang kumalas.

"Vash, n-nakakahiya."  she said blushing.

I chuckled. "I'm sorry, babe." Really? Did I call her babe? "Uhh... Shall we?" I extended my hand to her which she willingly got ahold of.

Nang papalapit kami kay Sophie, pansin kong naniningkit ang mga mata niyang nakatingin samin, partikular na kay Mae. Sinulyapan ko saglit si Mae. Nakayuko lamang ito.

"So? Siya ba?" Mataray na tanong ni Sophie.

Nang balingan ko siya ay gusto kong pilasin ang ngising nakapaskil sa kanyang mukha. She was deliberately making Mae feel uncomfortable. Kung pwede lang talagang pumatol sa babae. 

I honestly didn't like the way I think about Sophie. As if we were never close. But if she was being a bitch toward Mae, which was obviously happening, then I might forget what we were.

"Sophie, this is Mae. My girlfriend." Walang preno kong saad. Naramdaman kong pinisil ni Mae ang kamay kong hawak nito. Napalingon ako rito at nagtatakang nakatingin din ito sa'kin. Alam ko namang magtataka talaga siya sapagkat malinaw na malinaw pa kung gaano ako kalamig nang maghiwalay kami ng landas kahapon. Tapos biglang kabig ko ngayon at ipinapakilala ito bilang girlfriend ko. Kahit ako mapa-praning.

 I beamed at her, reassuring her that it was fine. "Uhm... She's Sophie an old fr—"

"Ex-girlfriend." Pagpapakilala na ni Sophie sa sarili niya. Mabilis siyang tumayo at inilahad ang kamay sa harapan ni Mae.

I didn't have to worry about that, anyway. Nasabi ko naman na kay Mae kung ano ba talaga si Sophie sa buhay ko.

"N-nice to meet you, Sophie." Nahihiyang tinanggap naman ni Mae ang kamay nito.

"I honestly don't feel nice about meeting you." Prangkang pahayag ni Sophie na ikinamilog ng mga mata ko. She was bitching again. Nagbawi ito ng kamay. "If it wasn't because I didn't believe Vash when she said she already replaced me, we wouldn't have met personally. I just want to clarify things because you know, Vash tends to feed me with lies."

BitterSweet and Strange [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon