Chapter 9

203 17 5
                                    

Hi everyone :) Papalitan ko muna po yung style ng pagsusulat ko pag may conversation sila. Suggestion po kase ng isang reader :)) So... sana po sabihin nyo po sa akin kung anong mas prefer nyo para naman po alam ko gagawin. Hehehe.

Enjoy reading po. And don't forget to vote and comment :D

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kath's POV

"Kilala mo si Gab!?"--JC

Hanggang ngayon, di parin ako makapaniwala na siya pala yung kakilala ng best friend ko sa States.

"Oo"-- ako

Para namang nagliwanag ang mga mata niya.

"Kung... Kung kilala mo ako, ibig sabihin nakakaalala na siya?"--JC

Halata sa mukha niya na masaya siyang nakakaalala na si Gab. Pero... Sorry JC. Babawiin ko yang saya na yan.

"Oo...Pero..."--ako

"Pero?"--JC

Sorry JC.

"Hindi na kayo pwede dahil may mahal na siyang iba..."

*flashback: 2 weeks before I left the States.*

Nandito ako ngayon sa ospital dahil isinugod dito ang best friend ko. Dinala daw kase siya ng boyfriend niyang si Mycko sa isang roof top. Then, nawalan daw siya ng malay.

Nandito kami ngayon ni Mycko sa kwarto niya. Tulog pa kasi e. Ito namang kasama ko, feeling niya nanganganak itong si Gab -_-

"Hoy! Mycko, umayos ka nga. Kanina ka pa lakad ng lakad dyan e. Hambalusin kita pag di ka tumigil."--ako

"Kath naman! Kinakabahan ako e. Wag ka ngang maingay,"-- Mycko

Pagkatapos ng sinabi niya, nagpalakad lakad ulit siya. Osige. Maganda yan. Kunware wala akong sinabi.

"Mycko, sa kakalakad mong yan magigising ba ang best friend ko? Hah? Kung oo. sasabayan pa kita sa paglalakad. Kung hindi, umupo ka. Ako ang nahihilo sayo e."-- ako

Totoo naman kase. Pagkarating na pagkarating namin sa hospital room inumpisahan na niyang pudpurin ang sapatos niya.

Unti unti namang gumalaw si Gab kaya agad kaming lumapit sa kanya. Kinabahan ako nang bigla siyang umiyak.

"Babe. Babe, ok ka lang?"-- Mycko

Iminulat naman ni Gab ang mga mata niya at umiling.

"Gab? Anong masakit sayo? Gusto mo bang tumawag ako ng nurse?"--ako

Umiling ulit siya.

"Kailangan ko muna ng makakausap ngayon. Mycko, ayos lang ba kung iwan mo muna kami ni Kathryn?"-- Gab

Tumango naman si Mycko at hinalikan muna si Gab sa noo bago lumabas.

Umupo naman ako sa kama ni Gab.

"Oh? Ano pag uusapan?"--ako

"Kath, nakakaalala na ako..."-- Gab

At bumuhos muli ang mga luha niya.

"Oh yun naman pala e. Diba, dapat masaya ka?"--tanong ko sa kanya

Destiny's Game-ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon