JC's Chapter

178 19 6
                                    

Hi po :)) Special Chapter po ito ni JC. Gusto ko rin po kasi na may lablayp din siya. Hehehe.

So... Don't forget to vote and comment :D Keep Calm, and read.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JC's POV

Nandito kami ngayon sa mall dahil nag aya si Seth. Ewan ko sa mga yun. Kalalaking mga tao ang hilig gumala. E dahil sa wala naman akong gagawin sa bahay, edi join nalang ako sa kanila.

Umupo muna ako dito sa event center na malapit sa arcade. Naubos na kasi yung tokens ko e. Atsaka napagod na din ako.

Yung mga kasama ko? Ayun. Pumi PBB teens. Hahaha. De loko lang.

Kinuha ko naman sa bulsa ko yung wallet ko... Pagka bukas ko, nakita ko yung picture namen nung first monthsary namin.Yung hinalikan ko siya sa pisngi habang siya naman nakangiti sa camera.

Hay. Kung di kaya nangyari yung aksidenteng yun... masaya pa kaya kame?

*flashback*

3 years ago.

"Oy! JC! Sabi ni Miss maglinis daw tayo ng room!"

-sigaw sa akin ni DJ habang nag wawalis

"E hindi naman ako kasali sa ingay nyo e!"

-sigaw ko din pabalik

"Heh! Kahit na! Diba nga sabi ni Ma'am,- 'Group of Mr. Kabe! Dahil maingay kayo, kayo ang maglilinis ng room.' E ka grupo kita e."

-sagot ni Kats sa sinabi ko.

E kasi ba naman! Bigla nalang tumayo at sumigaw ng 'AYAW KO NA! ANG HIRAP NG GROUP WORK!'

-_- Diba? Ang hilig lang mandamay

"Kats, hayaan mo na yang si JC. Monthsary nila ni Gab ngayon. Sige pare. Kami na bahala dito."

"Salamat, Seth! Kaya mahal na mahal kita e."

-sigaw ko sabay alis na ng room.

Usapan kase namin ni Gab ay magkikita kame sa roof top. May nakahanda nang mesa doon tapos may dala naman akong pagkain. Para atleast, may date kame. Hahaha

Oy! Wag nyong laitin ang relationship namin ah. Legal kami! Matagal na kasi naming kaibigan itong si Gab. Kaya naman kilala na ako ng parents nya. Oh diba? Boto na sa akin ang mga future parents ko. Hahaha. De loko lang.

Pagkarating ko sa roof top,

"Uy, sorry na late ako,"

-sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Nginitian naman niya ako.

"Ano ka ba. Ayos lang yun noh. Alam ko namang napa trobol kayo kay Miss Manansala kanina e,"

-sagot naman niya sa kin.

Kinuha ko na yung pagkain sa bag ko.

"Ano yan?"

-tanong niya habang sinisilip ang kinukuha ko.

"Pasensya na ah. Pancit canton at sunny side up lang ang pagkain natin."

-nahihiyang sabi ko

Kinuha naman niya ang kamay ko at tinignan ako sa mata. Kinikilig ako mga bregs! Hahaha

Destiny's Game-ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon