Kathryn's POV
Hi! My name is Kathryn Chandria Manuel. Kath nalang for short. Hmmm. Paano ko ba idedescribe sarili ko? I think... I'm simple. A typical teen age girl na go with the flow lang. At dahil na din sa ugali kong ito kaya marami akong nagiging kaibigan. Marunong kase akong sumakay sa trip ng iba.
"Good morning Ma,"
-bati ko kay Mama
"Good morning princess. Ready ka na ba for your first day of school?"
-Mama
"Opo ma. Ma, bakit dito pa ba kasi tayo dito sa Cebu tumira? E diba sa Manila naman tayo date?"
-tanong ko sa kanya
"E kase anak, your dad wants you to see the place where he grew up. Pag pumupunta sila dito ng kapatid mo, ayaw mo namang sumama."
-Mama
Tumango naman ako sa sinabi ni Mama.
"O sya. Bilisan mo na ang pagkain para ihatid ka na ng driver."
-Mama
"Naku ma, keri ko na 'to. Lakarin ko nalang. Konting tambling lang naman nasa school na ako e."
-biro ko kay mama
"Hahaha, ikaw talaga. Osige. alis na ako hah. Mag go-grocery pa ako."
-mama sabay kiss sa tuktok ng ulo ko
So ayun nga umalis na si mama, and umalis na din ako sa bahay.
Lakad, lakad, lakad,
*plok*plok*plok*
E? Umuulan? Di bale. May payong naman ako.
Binuksan ko na ang payong ko at naglakad na ulet.
"Miss."
Rinig kong tawag ng isang lalake. Di ko pinansin. Ang daming pwedeng tawaging 'miss' noh. Baka pag lumingon ako sabihan pa akong assumera.
"Miss na nakapayong."
Umuulan ngayon. Marami ang nakapayong.
Lakad ulit.
"Miss na naka payong na yellow, bag na yellow, at naka uniform na pang Bay View University!"
Yellow na payong, check.
Yellow na bag, check.
Uniform na pang BVU, check.
Edi lumingon na ako.
"Ako?"
"Ay hindi. Sino pa bang kakausapin ko dito?"
-guy
Hayst. Ano ka ba Kath!
"Anong kailangan mo?"
"Pwede pa-sabay. Pareho lang naman tayo ng pupuntahan e."
-guy
"Aba! Malay ko kung manyak ka."
Syempre mahirap nang magtiwala ngayon noh. Kahit may itsura tong lalaking 'to, di parin ako nakakasigurado.
"Ano ka, chix?"
Tinong kausap. Siya na nga humihingi ng pabor siya pa ganyan. Bahala siya!
BINABASA MO ANG
Destiny's Game-ON HOLD
FanfictionMay mga tao sa mundo na buhol buhol ang tadhana. Kung nalaman mong isa ka sa mga taong pinili ni Destiny para pag laruan, hahayaan mo nalang ba siya? Or will you take the risk, and play the game?