Chapter 4

202 20 14
                                    

Dedicated po sa isang account na may 3 owners tapos yung 2 sa 3 yun, kilala ko. Hahahaha. Gets nyo? K. :P Enjoy reading :)) Don't forget to vote and comment :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kathryn's POV

"Hi Kath/ Hi Chandria"

-DJ/ Lester

"Hi DJ. Hi Lester,"

-bati ko naman sa kanila.

"Ikaw si Kath!?/Ikaw si Chandria!?"

-sabi naman nung kulot at nung naka glasses

"Ingay nyo!"

-Lalaking medyo kahawig ni DJ.

"Ikaw din si Kath?"

-parang nalilitong tanong ni Lester.

"Uh, oo. My whole name is Kathryn Chandria Bernardo. Sabi ko naman sayo kahapon, diba? Second name ko lang ang Chandria."

-sagot ko sa kanya.

"Kath tabi tayo,"

-DJ

"Uh, osige. Ok lang ba kung dito na din umupo yung mga kaibigan ko?"

-tanong ko sa kanila

"Ah. Oo sige. Ayos lang. Ito nga pala sina Katsumi, JC, at si Seth. Kilala mo na si Lester."

-DJ

"Nice to meet you. Ayan na pala yung mga kaibigan ko e."

-sabi ko sabay turo kina Julia at Sofia na palapit sa amin.

"Kaibigan mo si Julia!?"

-Kats sabay napatayo effect pa.

"Bregs naman. Wag kang masyadong pahalata."

-bulong naman ni Seth.

Hmmm. I smell something fishy. Hahaha

"Hi Kath!"

-bati sa akin ni Julia

"Hey. Hi Sofia,"

-bati ko naman kay Sofia na parang medyo... uneasy?

"Dito nalang daw tayo umupo."

-ako

Tumango naman sila.

Hmmm... Ako lang ba or nagkakagulo na ang mga upuan? So... sa bandang huli, naging ganito po ang arrangement namin.

Julia | Katsumi | Lester | ako | DJ | Sofia | JC | Seth

"Good morning everyone,"

And with those words, inihanda ko na ang sarili ko sa isang boring na speech galing sa principal.

Seth's POV

Magkakasama kami ngayon sa cafeteria with Kath, Julia and Sofia.

Hindi man halata, pero ako ang pinaka matino sa barkada. Siguro... instinct? Yun! ako yung may malakas na instinct.

Kanina sa auditorium, napapansin ko sina Daniel at Lester na pasimpleng sumusulyap kay Kath. Si Kath naman, patay malisya lang. Patango tango sa bawat sinasabi ng principal pero naka head phones naman. Hahaha

Umorder na silang lahat at ako ang natira para bantayan ang table namen.

At dahil mag isa ako, mag mumuni muni muna ako.

Hmmm. Tungkol kay Kathryn, there's something about her vibe that is very familiar. Ayan! Napapa english ako. Sorry naman. Matalino ako kapag mag isa e. Hahaha. Tatlong tawa para sa sarili ko. (A/N: Itigil mo na yan Seth. Nahahawa ka na kay Kats.)

Hayst! Sabi na nga ba dapat layuan ko na si Katsumi e.. Hahaha. De loko lang. So yun nga... Parang pamilyar yung aura ni Kath.

Si Katsumi naman... pansin ko na hindi siya magaslaw ngayon. Siguro... dahil kay Julia. Crush kasi niya si Julia 3rd year pa. Kaso di siya gumagawa ng move. Ewan ko ba diyan. Siya nalang tanungin nyo kung bakit.

Si JC naman.... Hmmmm. Para sa akin, maayos naman ang pamumuhay niyang si JC. Minsan lang naman naging magulo ang buhay niyan eh. At yun ay nung nagka gusto siya sa isang babae na hindi na siya kilala ngayon.

Psh. Wag na nga nating isipin yung malungkot. Yung mga weird nalang.

Ok. Para kasing mayroong kidlat or kuryente sa mga mata nina DJ at ni Lester pag nagkakatinginan.

Di ko naman masisisi si Kath na dalawa ang pangalan niya -_-

Para kasing ang lakas ng impact sa kanila ni Kath. Unang kita palang, like na kaagad?

Naiintindihan ko pa yung kay Lester e. Pero si DJ? Para magustuhan niya kaagad si Kath, she must really be something special. Kase, yang si DJ? Tingin niya, isa lang ang babae para sa kanya. At yung babaeng yun ang nang iwan sa kanya. Sabi niya nga hihintayin niya daw yung babae e. Kase naniniwala siyang 'destined' sila. Tsk tsk tsk. Ka kornihan ng mga tao ngayon noh?

"Huy!"

"Ay destined!"

Ano ba yan! Ang keso na din ng lumalabas sa bibig ko -_-

"Naniniwala ka din don?"

-tanong ng nanggulat sa akin na si Kath

"Asan yung pagkain mo?"

-tanong ko

Umorder nga kasi sila. Ako? Busog pa e.

"Si Lester nalang daw ang oorder para sa akin. Samahan nalang daw kita. Kaya dahil masunurin akong bata, sasamahan kita."

-Kath sabay ngiti

E kaya naman pala gusto siya nung dalawang unggoy e. Parang nakakagaan ng loob yung presence niya.

"So... Naniniwala ka sa destiny?"

-Kath

"Hindi."

-diretsong sagot ko

Nalungkot naman siya sa sinabi ko.

"Bakit?"

"Kase para sa akin, tayo yung gumagawa ng sarili nating tadhana."

-ako

"Pero what happens to things that we can't control?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Ngumiti siya. Yung ngiting tagumpay na para bang natalo niya ako.

"Point well taken,"

-sabi ko sa kanya

"Oh. Mukhang ang seryoso nyo ah."

-Lester sabay bigay ng tray kay Kath

"Salamat."

-Kath to Lester

Dumating naman sina DJ, Katsumi at Julia.

"Kain na,"

-Katsumi

Ikinabigla naman namin nina DJ at ni Lester ang attitude ni Katsumi. Dati kase, out of the blue, sisigaw nalang yan ng 'KAINAN NA!' tapos ngayon, mainhin? Dalagang Pilipina? Hahaha de loko lang.

Umupo na din silang 3. Nakagitna parin ngayon si Kathryn kina DJ at Lester. Hindi lang literally, kung di pati sa usapang puso.

P*cha! Ang keso ko na -_-

Destiny's Game-ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon