|Continuation|
Third Person's PoV
"Eros? W-what happen to y-your right arm?" gulat na usal ni Sasha nang makita niya ang braso ni Zero na may...
kalmot ng Zombie!
"T-this can't be happening! T-tell me... I'm just hallucinating r-right?" Hindi makapaniwalang wika ni Sasha at nagsimula ng manubig ang kanyang mata.
Palihim namang dumadaing sa sakit si Zero habang hawak nito ang braso. Dumako ang tingin niya kay Sasha pababa sa sahig kung saan nakalapag ang matulis na katana.
Kahit nahihirapan ay dahan dahan niyang inabot ang sandata at akmang isasaksak sa sarili ngunit bago niya pa ito magawa ay mabilis siyang hinawakan ni Sasha upang pigilan.
"Hey! What do you think you're doing?" gulat na tanong ni Sasha.
"Killing myself." Simpleng turan ng kausap.
"What? Ano 'to suicide? Are you out of your mind!" sigaw ni Sasha.
"Wala ng oras. Kailangan ko itong gawin bago pa tuluyang kumalat ang virus sa katawan ko."
"Pero bata ka pa! Hindi ka pa dapat mamatay."
"Kahit mamatay ako ng maaga ayos lang, basta't mamatay ako bilang tao!"
"No! No! No!" at doon na napahagulgol sa iyak si Sasha.
"Bitawan mo ako."
"No hindi kita bibitawan. I won't let you kill yourself Eros. S-sorry kasalanan ko 'to eh. I'm sorry E-Eros. Hindi k-ka sana ma-mapapahamak kung nakinig lang ako sayo. Hindi mo sana mararanasan 'to. I'm sorry Eros. I'm really s-sorry."
"Yeah you're right. Buti alam mo." sarkastikong wika niya.
"Eros..."
"Kaya makinig ka na sa sasabihin ko ngayon. Bitawan mo na ako."
"Ayoko."
"Bitawan mo ako." He repeated coldly. But she didn't listen and just throw her katana away from them and hug him tightly.
"Hindi Eros. Kahit anong mangyari hinding hindi kita bibitawan." Sandaling natigilan si Zero sa narinig niya mula kay Sasha.
"What?"
"Gusto mo bang ulitin ko? Ang sabi ko--"
"Damn are you crazy? Magiging Zombie na ako. Are you not aware of it?"
Kumalas si Sasha sa yakapan nila at humarap kay Zero ng nakanguso. "A-alam ko."
Napabuntong hininga na lang si Zero at napatitig sa braso niyang may bakas na kalmot.
"Buti na lang hindi mabilis umepekto ang virus dahil kalmot lang ang natamo ko. But I only have a few seconds left." Wika ni Zero sa sarili.
"Alam mo naman pala eh. Kaya wag mo na akong pigilan because the best thing to do is to kill me using that damn katana of yours. Do you get my point?"
"Hindi yan ang solusyon Eros. May iba pang pararan."
"What?"
"Hindi mo naman kailangan magpakamatay eh. May alam akong pararan at hindi naman siguro masama kong susubukan ko." Seryosong wika ng dalaga.
"Tch. It's paraan not pararan." Pagtatama niya kay Sasha. Ngunit hindi siya nito pinansin at binuksan ang zipper ng crossbody bag niya at kinalkal ang mga gamit. Nang makuha na niya ang pakay ay binaling niya ang paningin kay Zero na ngayon ay nakaluhod na habang nakatukod ang dalawang kamay sa lupa, naghihingalo at sumusuka ng dugo.
"Shit!" Dali dali niyang nilapitan si Zero.
"Eros--"
"Leave!" Sigaw niya sa dalaga nang nanlilisik ang mga mata. Pilit niyang nilalabanan ang kakaiba at hindi maipaliwanag na sakit sa loob ng katawan niya.
Agad na hinawakan ni Sasha ang kaliwang braso ni Zero at hindi na nito kayang manlaban dahil sa panghihina.
"I'm sorry Eros. I need to do this for your own good. And I hope I'm making the right decision."
Bago niya pa masagot ang dalaga ay naramdaman niya ang matulis at mahapding bagay na bumaon sa braso niya. Napapikit na lang siya sa sakit at di kalaunan ay nilamon ng kadiliman.
*****
Sienna's PoV
Patakbo kong tinahak ang daan patungo sa Girl's dormitory. Aish! Kung hindi niya lang sana pina-iral ang katigasan ng ulo niya, damn minsan talaga sakit sa ulo ang hatid niya.
Sunod-sunod ang pagpapaputok ko ng baril sa bawat Zombie na nadaraanan ko. Ramdam ko din ang hindi mabilang na mga Zombies na humahabol mula sa likuran ko kaya binunot ko ang isa ko pang baril sa bulsa. Sabay kong pinaulanan ng bala ang mga Zombies na nasa harap at likuran ko gamit ang dalawang baril na hawak ng magkabilang kamay.
Nakaramdam ako na may paparating kaya napalingon ako sa kabilang direksyon at nakita ko yung dalawang kasama ko kanina na nagtatalo. Nakita nila ang sitwasyon ko kaya agad nila akong tinulungan. Sumugod yung babae gamit ang fighting fan niya habang tumulong naman sa akin yung lalaki sa pagpapaulan ng mga bala.
Nang mapabagsak na namin ang mga Zombies, hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Nandito na ako sa Girl's Dormitory at kailangan kong mahanap agad ang kwarto na tinataguan ng pinsan ko at mga kasama niya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko...
Kinakabahan ako.
At ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
Napaalerto ako nang may narinig ako na umiiyak na bata. Tinalasan ko ang pandinig ko upang sundan ang pinanggagalingan ng iyak habang tahimik namang nakasunod ang dalawa.
Nang mahanap ko na ang silid na pakay ko, nakita kong pilit na ginigiba ng mga Zombies ang pintuan nito kaya pinagbabaril ko agad ang mga hangal.
"Let's go! Iligtas na natin sila Pareng Zero." bulong ng lalake na kasama ko at akmang bubuksan ang pinto subalit nahirapan siyang buksan ito. "Ako na." I said coldly at buong lakas kong tinadyakan ang pintuan.
Nagulat ang dalawa nang magiba ko ito dahil ang daming mga upuan at may malaking lamesang nakaharang dito.
Pero ang mas ikinagulat nila ang eksenang bumungad sa amin sa loob.
At inaamin kong maski ako ay nagulat din sa aking nasaksihan...
Si Sasha... umiiyak habang nakaunan sa hita niya ang isang lalaking duguan at wala ng buhay...
![](https://img.wattpad.com/cover/86756852-288-k745486.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse: Descending Of The Zombies
Science FictionAs they struggle to survive, fight, and search for a cure, can it be possible for them to find love? **** Copyright © by ZeleeELF (2016) Title: Zombie Apocalypse: Descending Of The Zombies Genre: Science Fiction Writer: Leozel Locajen( @ZeleeELF ) H...