Chapter 12 : Tyler's Body

102 54 18
                                    

Third Person's PoV

WALANG BAHID na awa ang mukha ni Snow habang pinupugutan niya ng ulo ang mga Zombie na nagtatangkang lumapit sa kaniya.

Napa iling na lang si Tyrone habang nakikipaglaban din. Hindi niya alam kung kailan pa matatapos ang labanang ito sa pagitan ng mga Zombies, dahil dumarami na ang bilang nito.

"Shit Kuya! Look! May paparating pa dito at sobrang dami nila!" Natatarantang bulong ni Tycho at pilit na hinihinaan ang boses para iwas hakot atensyon ng mga Zombies.

"I think... the best thing to do right now is to...

run away." Walang pag aalinlangan niyang hinablot ang braso ni Snow at kumaripas ng takbo.

"Wait. Hindi pa ako tapos--"

"Shhh... Stop talking. Just run." bulong ni Tyrone. Wala nang nagawa si Snow kundi sumunod. Napatingin siya sa likuran nila at laking gulat niya ng makitang ang daming nakabuntot na mga Zombies sa kanila.

"Ty... ang dami nila!" Mahinang sabi niya kay Tyrone.

"I know.. kaya nga bilisan na natin."

Nagulat sila nang makarinig ng pagputok ng baril. Napalingon sila sa kasabay nilang tumatakbo at abala sa pagbabaril.

"Stupid! Ba't walang silencer ang baril mo!" Inis na wika ni Tyrone. Ngiting aso lang ang naisagot ni Tycho sa nakatatandang kapatid.

Patuloy lang sila sa pagtakbo at ng makalabas sila ng building ay nakasalubong nila si Winter.

"You guys, hurry up! Let's go there." Winter

"Gosh ba't ba kasi ang dami nila?" Sabi ni Snow sabay takbo pasunod sa kambal.

Nang makalayo sila ng kunti ay nagtago sila sa isang malaking pader.

"Go to the parking lot and secure the area, while I go help the others." Winter.

"Roger that" Tyrone sabay saludo kay Winter.

Nang maka alis na si Winter ay agad nilang sinunod ang utos nito. Patakbo nilang tinahak ang daan papuntang parking lot.

May mga nakakasalubong din silang mga Zombies na agad din naman nilang tinitira sa ulo.

"Shit ubos na ang bala ko." wika ni Tycho.

"Gago. Wag mo na lang gamitin dahil wala namang silencer yan. Mas lalo ka pang makaka hakot sa atensyon ng mga Zombies!" Mahinang sermon ni Tyrone.

"Oo nga noh? Ba't ngayon mo lang naisip na sabihin yan?"

"Ulol! Kanina pa kita sinabihan. Bingi ka ba?" Medyo napalakas ang boses ni Tyrone kaya nakatikim siya ng batok kay Snow.

"Hinaan mo ang boses mo Ty!"

"Sorry."

Nang sa wakas ay narating na nila ang patutungunan, agad na kumilos sina Tyrone at Tycho para maihanda ang sasakyan nilang lahat.

Makikita na rin nila mula sa hindi kalayuan ang kanilang mga kasamahan na tumatakbo na papunta sa kanilang direksyon.

"Snow get inside!" Utos ni Tyrone sa kaibigan. Nasa loob na siya ng sasakyan habang nasa labas pa rin si Snow na parang na estatwa mula sa kaniyang kinatatayuan. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan nito ngunit wala man lang itong kibo kaya lumabas na lang siya para lapitan ito.

Zombie Apocalypse: Descending Of The ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon