• Chapter 2: Flashback •

105 3 1
                                    

CHAPTER 2: FLASHBACK

[Kristen Dana Carson's Point of View]

"Ugh.." I whispered.

Hindi ako makapag-concentrate ng maayos dahil mayroong bumabagabag sa akin. Totoo ba talaga 'to? Kaklase ko ang Pambansang Bully noong high school ako? And the most worse part is, katabi ko pa siya! Eh nabanggit ni Prof Valdez na bawal ng magpalit ng upuan.

Ugh! Mahihirapan ako nito eh. This will be very hard for me. Tataguan ko siya, kakayanin ko kaya iyon. Without him noticing? Ewan ko ba pero ayaw ko talagang makita niya ako. Should I wear a disguise? Should I wear a wig? Should I dress as a nerd? Lalong mahirap naman yata 'yon.

"Dana, you okay?" I turned my head to Nathan.

I smiled, even though it's kind of hard.

"Y-yeah," I muttered.

"Okay." Then, he went back from writing down notes at his notebook.

"Dang it.." Nilagay ko yung buhok ko sa kaliwang balikat ko para naman matakpan kahit papaano yung mukha ko. Buhok, tulungan mo ako!

Bumalik na ako sa pagsusulat. Mahirap na, baka mahuli ako. Pero habang nagsusulat ako, naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko kaya napapikit ako. Jeez, siya 'yon.

Nagkunwari akong hindi ko naramdaman iyon pero nagpatuloy siya sa pagtapik sa balikat ko. Ano ba 'yan eh. Nagsisimula na akong mahirapan nito, oh.

"Hey!" Narinig kong bulong niya ng pasigaw.

Wala na, sumigaw na ng pabulong. Kailangan ko siyang kausapin kahit labag man sa loob ko.

"W-why?" I asked habang nakayuko at hindi nakatingin sa kaniya.

"I'll borrow a pen." Otomatikong nalaglag ang panga ko.

Wow, kailangan pala ng ball-pen. Sa akin pa manghihiram, pwede namang sa katabi niya! Wait, manghihiram siya sa bintana? Ay, ako lang naman ang katabi niya eh.

"I don't have a-"

"Tsk, don't lie. Let me borrow a pen," Lalong nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Wow, demanding si kuya. Siya na nga ang manghihiram ng ball pen, magsusungit pa. Tsk!

"Maghintay ka." Iritadong sabi ko at tsaka naghanap ng ball pen sa bag ko.

"Are you mad or something?" Gusto ko sana siyang harapin para magreklamo pero ayaw ko.

"Hindi 'no." Medyo padabog kong salita. Sana naman hindi niya nahalata.

"Oh." Inabot ko sa kaniya yung pen ko na kinuha naman niya.

Nagsulat na ako. Sana naman hindi na ako istorbuhin nitong Salvatore na ito. Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na din akong magsulat. Isasalpak ko na sana ang earphones ko sa tenga ko ng maramdaman kong kinalabit ako ni demonyo.

"Here's your pen." Wow, pagkatapos gamitin, isasauli ng walang salamat.

"Wag na ho. Sa iyo na lang iyan, baka mamaya at bukas wala kang gamitin. At tsaka salamat, ah?" Note the sarcasm, Salvatore.

The Falling Game (TFG) • Chanyeol X Rose •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon