CHAPTER 6: DEAL
[Kristen Dana Carson's Point of View]
"Damon..."
"Dana..."
Nagkatinginan kami pagkatapos naming sabay matawag ang pangalan ng isa't isa. Biglang tumibok ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Una akong umiwas ng tingin dahil parang nakakaramdam ako ng kuryenteng hindi ko dapat maramdaman sa kaniya.
"You first."
"You first."
Napapikit ako ng magkasabay na naman kami. Inipon ko ang loob ko at tsaka tumingin sa kaniya na nakatingin na din sa akin ngayon. Umusog ako kaunti palayo sa kaniya.
"I-ikaw muna..."
Tumingin ako sa mga daliri kong nilalaro ko.
"No, you first."
"You."
"No."
"You!"
"You first, Dana."
"You first, Damon."
"Carson, go ahead."
"Salvatore, go ahead."
Nagtitigan kami sa mga mata ng matalim hanggang sa sabay kaming magbuntong-hininga. I looked away as I started to play with my fingers again.
"You'll go first, Dana. Remember, ladies first."
Napabuntong-hininga ako at tsaka tiningnan siya.
"Sabay na lang tayo, okay?"
Bumuntong-hininga siya at tumango. Buti naman, nagkasundo kami ng lalaking ito ngayon.
"One... Two... Three!"
"Gutom na ako."
"Guton na ako."
Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa sabay kaming matawa in the end. Parehas lang pala kami ng naiisip na sabihin ni Damon sa isa't isa. I can't believe that we two, are talking. Pagkatapos niya akong hawakan sa beywang pababa.
Sabay din kaming natapos ni Damon tumawa. Nagkatinginan kami. Halos isang oras na din yata kaming nakaupo dito na parang mga tanga. Napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang tumayo at umupo sa sofa.
"Come," Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko siya at umupo sa side ng sofa.
"Dana, as we both know, we are both broken-hearted and was both left by our exes." Tumango ako habang nakikinig lang sa kaniya. Nakwento niya na din sa aking iniwan din siya ng ex niya.
"Do you know that I saw her kissing another men behind my back?" Mapait niyang tanong sa akin.
Nanatili lang ako sa pakikinig sa kaniya. Interesado yata akong makinig sa kwento niya.
BINABASA MO ANG
The Falling Game (TFG) • Chanyeol X Rose •
Fanfiction"Let's make a deal." "Let's try to make ourselves fall in love with each other within three months." "Let's see who is the most stronger among the two of us. If it is you, or if it is me." "If one don't fall in love with the other, the person who w...