• Chapter 8: Interrogation •

71 7 2
                                    

CHAPTER 8: INTERROGATION

[Kristen Dana Carson's Point of View]

Nagbihis ako ng isang malaking puting shirt at tsaka itim na leggings. Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko na ang magiging reporter ngayong gabi.

Umiwas ako ng tingin dahil sa kakaiba niyang tingin. Napakaseryoso din ng aura niya ngayon. Ngayon ko lang nakitang ganito si Michelle. I know that she cares for me, that's why she's overprotective to me.

Naupo ako sa side ng kama ko at sumandal sa headboard. Nakaupo siya ng tuwid sa kabilang side ng kama na tila bang isa siyang reporter na tatanungin ang isang katulad ko sa balita.


"Mich, pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom ako eh." Palusot ko. Ayaw ko naman talaga kasing sumagot sa mga magiging tanong ni Michelle. I know her, mahilig siyang mang-intriga.


"No." Madiin niyang sabi kaya tumahimik na lang ako.


"So now, tell me everything, Dana." Napatingin ako sa kaniya,


She's serious for Pete's Sake!


"W-well, he's m-my b-boyfriend, I g-guess?"


Jeez. Malalagot kasi ako kay Damon kung itanggi kong hindi ko siya boyfriend. Argh! Bakit ba ako napasok sa ganitong sitwasyon? Ano bang ginawa kong mali para maranasanan ko ito?


"Your boyfriend?"


Unti-unti akong tumango at yumuko. Crap, I shouldn't be like this. I shouldn't act like this.


"Paano mo siya naging boyfriend? Saan mo siya nakilala? Kanina lang ba naging kayo? Bakit ang bilis niyong maging mag-jowa? Dati pa merong kayo? Naglilihim ka ba sa akin dati pa?"


Napabuntong-hininga ako ng malalim. Sinasabi ko na nga ba eh. Tatanungin na naman ako ng walang tigil nito ni Michelle. Paano ko matatandaan iyong mga tinanong niya? Paano ko masasagot lahat ng iyon?


"Can you please ask everyone one by one? Hindi ko kayang sagutin lahat ng sabay-sabay." Angal ko.


She sighed and rolled her eyes, bitchy.


"Paano mo siya naging boyfriend?"


Think Dana, think. Dapat may maisip akong isagot sa kaniya dahil kung hindi, patay na ako nito.


"Can I pass?"


Umirap ulit siya at nag-cross arms sa akin.


"Fine, but you will answer it later." Tumango na lang ako para mapanatag ang loob nitong isang 'to.

"Saan mo siya nakilala?"


"Sa rooftop. Kaklase ko din siya sa mga subjects ko. Seat mate ko din siya." Was that a good idea?


"So naging kayo dahil lang sa nagkita kayo ng rooftop. At naging kayo din dahil magkaklase kayo sa mga subjects at mag-seatmates din?"


The Falling Game (TFG) • Chanyeol X Rose •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon