KUNG ALAM MO LANG

69 1 0
                                    

Kung alam mo lang kung gaano kasakit

Kung gaano kasakit tanggapin ang lahat

Na ako at ikaw ay hindi na sapat

Na lahat ng nangyari ay kakalimutan

Kasama ang mga pangakong binitawan.


Masaya naman tayo noon diba?

Bakit ganoon biglang nag-iba?

Hindi mo ako niloko, nagkamali ka lang

Pero bakit ganun ,iyo itong tinuluyan

Gusto mong iwan na kita, kasi wala na.


Oo nagkamali ako, dahil nakinig ako sayo

Nakining sa mga salita mo na, "WAG NA AKO"

Ayaw mo ako saktan, pero doble ang natanggap ko

Binitawan mo lahat, pangako at ako

Bakit pa humantong sa ganito, ikaw na lang meron ako.


Kung alam mo lang miss na kita

Oo sana di kita binitawan bigla

Sana ngayon masaya at tayo diba

Pero anong magagawa ko meron ka na

Mga pangako? ha! napako kinain mo bigla.


Kung alam mo lang gaano ko kagusto

Ang yakapin ka, ipakita sayo na walang nagbago

Mahal, san naman naaalala mo ko, tayo?

Kung saan masaya ka nung di wala at hindi kayo

Na tayo lang ang tao sa mundo.


Huli na to, sana naman malaman mo

Ikaw pa rin naman kahit di na ako

Andito lang akonkung kailangan mo

Wag kang mag-atubili lapitan ako

Dahil minsan nagkaroon ng tayo at naging parte ng buhay ko.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon