HINDI LAHAT NG NAKANGITI AY MASAYA

78 2 0
                                    


Paglumalabas ngiti agad ang bungad

Nagpapakislap ng umaga ng lahat

Akala mo in love dahil lagi daw blooming

Hindi ba pwedeng, nag-ayos lang?


Ang saya isipin na may nahahawa ka

Hindi sakit kundi kaligayahan sa iba

Nakakamiss ang ganito, ngingiti ka

Ibig sabihin masaya ka.


Pero sana itong mga ngiti galing sa kanya

Kung keailan yung una naming pagkikita

Kung saan tawanan, kulitan lang ang meron

Kayo lang nagkakaintindihan sa mundong iyon.


Masaya ako kapag masaya ka rin

Ngiti mo pa lang kumpleto na ang araw

Ikaw lang at ako, tayo lang

Masaya sa kung anong meron tayo.


Sana hindi yun nagtapos, mahal

Hindi sana nasira ng dahil sa pagkakamali

Pero andoon na, di na mababago pa

Iniwan mo ako, hindi na inayos pa


Tama sila, walang permanente-- naghanap ka na

Di pala lahat ng nasayo ay sayo na talaga

Lahat pala limitado, pati rin pala tayo noh?

Kaya ganoon na lang ang nadarama ko, na hind lahat ng nakangiti ay masaya.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon