LIWANANG SA DILIM

35 1 0
                                    

Paghahanap sa tunay na kasiyahan, saan ko nga ba matatagpuan

Sa liwanag o sa kadiliman teka bakit para akong naguguluhan?

Hindi ko maintindihan, ni hindi ko na maunawaan

Kung bakit ganito ang aking nararamdaman.


Kung bakit ganito, hindi ko maipaliwanag

Basta ang alam ko sa araw na to ako'y lubos na nasasaktan

Hindi ko alam ang dahilan

Marahil siguro'y ito na aking kapalaran.


Mali bang magpanggap na masaya?

Upang ipaalam sa mga tao na wala kang problema?

Mali ba? Kasalanan ba? Kasalanan bang itago ang nadarama?

Para ipamukha sa mga tao na OKAY ka lang talaga.


Ang hirap, napakahirap pala

Na sa bawat pagbigkas ng salitang "okay lang ako" ay ang pagbalewala mo na

Ang sakit, napakasakit pala

Na tanging dilim lamang ang nakakita


Ganoon na pala, kung sino pa minahal mo sasaktan ka

Taong alam mo di gagawin na iwan ka

Pero ano nga ba ang mapapala at gagawin  mo

Kung ang tanging nagbibgay liwanag sayo noon ay biglang dilim na sayo.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon