MAHAL TAMA NA!

24 0 0
                                    


Sabi mo mahal mo ako

Na sabi mo ayaw mo ako mawala

Na ako lang pipiliin mo, di siya!

Pero bakit ganoon, bakit parang siya?


Tinanggap ko lahat kasi mahal kita

Naniwala ako sayo kasi pwede pa

Na mahal mo ako at mahal din kita

Na mababalik pa ang dating pagsinta


Lumipas ang araw, bumalik ang saya

Ngiti ay laging nakikita at masigla

Pinaramadam mo ulit sakin ang ligaya

Na pwede pa pala, kaya pa.


Ngunit sa tagal ng ganoong sitwasyon

Nasa relasyon kang di mo alam kung anong meron

Dalawa kayong mahal niya, meron bang ganun?

Sige pumili ka, siya ba o ako hanggang ngayon.


Hindi ko na kaya tumagal sa ganoon

Ako na mismo ang kusang tatapon

Pinagsamahan na hindi ko alam

Totoo pa ba o isa lang ilusyon


Pasensya kana mahal kung sinukuan na kita

Di ko na kasi alam kung ako ba'y mahalaga

Mahal kita pero mahal mo din siya

Please naman pumili ka na.


Siguro hindi na talaga pwedeng ibalik pa

Siguro hanggang doon na lang sinta

Salamat sa oras na pagpapahalaga

Mahal kita sobra pero tama na.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon