WAG AKO IBA NA LANG!

37 1 0
                                    


Kelan ba to nagsimula?

Feelings mo na sobrang nakakahalata

Akala ko wala lang yun

Pero bakit ganun, parang mas lumala


Teka, di ibig sabihin okay lang, okay na.

Mga da-moves mong sobra kung umasta

Baka nakakalimutan mo kaibigan kita

Please nama, wag muna.


Okay lang naman sa akin maging maalalahanin

Pero sana alam mo limitado at di aabusuhin

Puso kong ito'y sawi pa rin 

Ayaw kong sabihin nila na rebound ka sa akin.


Wag mo na sayangin panahon at oras mo

Masasaktan ka lang kung alam mo

Marami naman dyan ang susuklian ka

Wag ako kasi wala kang mapapala


Bakit kasi ako pa

Nakikita mo naman di ba?

Ayaw ko at di ako handa

Tumigil ka na! Wag ako Iba na lang kung pwede ba..

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon