12 a.m Thoughts

19 0 0
                                    


Minsan ba naiisip mo ako?
kasi ako madalas
Minsan ba namimiss mo ako?
kasi ako sobrang miss ka na
Minsan ba naaalala mo ang tayo?
kasi ako lagi kong inaalala.

Ang bagal ng panahon
sana lumipas na agad
Ang tagal namang maghilom
sana gumaling na ang sugat
Kasi kahit anong pilit, ay inuulit ulit, nauulit.

Hindi ko alam bakit ikaw pa
ikaw na sa tingin ko ay laging tama
Ikaw na di ko man lang pinagdudahan
na ikaw lang pala sa puso ko ang sasaktan.

Gusto na kitang kalimutan, ayoko na
tama na ang minsang pagpapakatanga
puso ko na ang sumusuko ng kusa
kaya sana wag ka na bumalik pa.

Hindi na ako ulit makikinig sayo
sobra na tama na, pagod na ako
please naman, wag ka na magparamdam
dahil ang puso ko ay ayaw ng masaktan.

P.s. Nagawa ko to, nung nag-rover scouting kame at iniwan ako magisa sa isang madilim na lugar. Napagtanto ko kahit magisa ka pala dapat maging matapang ka ano man ang mangyari.

P.ps. Maraming salamat.

-immbrOKen

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon