lilith told me, "one"

910 58 25
                                    

Kinakabahang pinatunog ni Aly ang kanyang mga daliri habang nakatayo sa harap ng pinto papasok sa canteen. Crack, crack. Kasabay nito ang paghigpit ng hawak niya sa strap ng backpack na nakasukbit sa magkabila niyang balikat. Huminga muna siya nang malalim bago itinulak ang pinto papasasok sa canteen.

Kahit ito ang pinakainaayawan niyang mangyari ngayon, ramdam niya ang pag-init ng kanyang mukha, na malamang ay pulang-pula na sa hiya. Hanggang ngayon, di niya alam kung bakit siya nahihiyang makita ng ibang tao. Ilang ulo ang lumingon sa direksyon niya kaya wala siyang ibang nagawa kundi tumungo at idiretso na lang ang paglakad habang bitbit sa kabilang kamay ang isang notebook na may nakasuksok na ballpen sa spring. Parang gustong kumawala ng puso niya mula sa kanyang dibdib.

Ilang bulungan at tawanan ang kanyang narinig mula sa mga taong malalagpasan niya, at di niya napigilang isiping siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Pinikit ni Aly ang kanyang mga mata, at kinagat ang ibabang labi hanggang sa dumampi sa kanyang dila ang mala-kalawang na lasa ng sarili niyang dugo nang -

Bigla siyang may nabangga, dahilan upang lalong dumiin ang mga ngipin niya sa kanyang labi.

 “Shit! Watch it! Bulag ka ba? Umalis ka nga diyan!” sabi ng nabangga ni Aly habang pinupulot ni Aly ang nahulog niyang notebook. Nanigas si Aly sa pwesto niya nang mapagtanto kung sino ang nabangga niya. “Di ka lang ata bulag, bingi pa!”

Di man nakita ni Aly, alam niyang may tatlo pang kasama ang lalaking nabangga, na nagsisitawanan, at kilala niya ang mga ito.

“Don’t mind her, Sage,” sabi ng isa sa kanila. Si Steel ata ‘yon, isip ni Aly. “We have better things to do. Let's just go.”

Dali-daling tumayo si Aly, nakakurtina sa magkabilang tabi ng mukha niya ang kanyang mahaba't itim na itim na buhok, para umalis habang hawak notebook sa kanang kamay. Bigla itong hinablot ni Cross, isa sa mga kaibigan ni Sage at Steel.

Sinubukan niyang bawiin ito mula sa pilyong kaklase pero dahil mas matangkad ito sa kanya, di niya ito nagawa. Tumayo na lang siya nang tuwid, nasa magkabila niyang gilid ang kanyang mga kamay, habang binabaon niya nang madiin ang mga daliri sa palad, nanlilisik ang paningin habang nakatitig kay Cross.

Halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman - may bahid ng kaba, takot, hiya at galit sa dibdib niya na dumaloy sa mga ugat niya na parang virus.

Makikita kaya ni Cross? kinakabahang sambit ni Aly sa kanyang isip. Sana hindi sana hindi sana hindi sana--

“Ano ‘to?” tanong ni Sage, na hindi namalayan ni Aly na nasa likod na niya. Agad namang nag-init ang tenga niya sa… Inis? Kilig? Hiya…? May naramdaman siyang hinatak ni Sage mula sa backpack niya, dahilan para tumawa ito nang malakas. “Seryoso? Nagdadala ka pa ng manika sa school?” Tumawa nang mas malakas si Sage kasama ang mga kaibigan niya.

Di makatingin sa kanya si Aly. Nakita ni Aly na may ilan pang mga estudyanteng sumabay sa tawanan. Napuno ng halakhak ang buong canteen habang lalong umiigi ang pag-init ng mga pisngi niya. Wala na bang araw na hindi siya mapapahiya?

“Dude! Eto ang tignan mo!” sigaw ni Cross. Nagkumpulan sa magkabilang tabi niya ang iba pa nilang kaibigan, kasama na si Sage. Sana hindi niya nakita… Please please please… “’Sage plus Aly equals heart’ Ayos!”

Marami nang ibang sumali sa tawanan ng magkakaibigan. Sa mga oras na ‘yon, parang gusto na ni Aly na lamunin siya ng lupa o matunaw na lang bigla.

Akala niya, doon na nagtatapos ang kanyang kalbaryo, pero “Eto pa!” sabi ni Cross. “Wooow, FLAMES. Makabago! Ay – kaso friends lang. Wawa ka naman, Aly.” Nang-aasar na ngumuso si Cross kay Aly.

“Buti nga sana kung aabot dun eh,” sabi ni Theo, na noon lang niya narinig magsalita. "Eh kaso hindi." Nagtawanan na naman sila.

Maraming tao na ang nakatingin sa eksenang ginagawa ng magkakaibigan para ipahiya si Aly. Bumaon ang mga kuko niya sa mga palad na kanina pa nakatiklop, napangiwi si Aly sa hapdi ng bago na naman niyang mga sugat.

Hinablot ni Aly ang manika kay Sage at ang notebook kay Cross. Binangga niya ang mga balikat nila sa galit pero bigla siyang natilapid at may nagtaas ng palda niya habang bumabagsak siya, dahilan para makita ang underwear niya habang nakadapa siya sa sahig.

“Hello Kitty!?” sigaw ni Steel. “Nice tattoo, though. Kaso medyo may uka. Ikaw ba nag-design?” pang-aasar ni Steel. Alam ni Aly na yung sugat niyang hugis krus ang tinutukoy ng kaklase.

Kung pwede lang sana maging estatwa na lang siya at di na kumilos pa mula sa kinalalagyan niya ay hindi pwede, kailangan niyang harapin ang ganitong buhay araw-araw kahit na sawang-sawa na siya. Alam naman niyang di siya magugustuhan ni Sage, alam din niyang kahit kailan di siya rerespetuhin ng mga tao, pero kailangan bang umabot sa ganito?

Inilapit na lang niya ang manika sa dibdib habang dumadaloy mula sa mga mata niya ang maiinit na patak ng luha.

Tanging siya lang ang umiiyak sa gitna ng dagat ng mga nagtatawanang halimaw.

-------x

Don't forget to comment your reaction and click the little star up there if you liked this chapter. It really means a lot. :D

Lilith Told Me To [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon