“Hawakan mo yung isang kamay!” sigaw ni Sage habang nakapatong sa ibabaw ni Aly. Pinipilit niyang magpakasaya sa mga oras na ‘to, at di niya mapagkakailang iba ang kanyang pakiramdam ngayon. Lahat ng takot at kaba niya ay nawala na parang bula at napalitan ng pagkasabik.
Hindi muna niya inisip na binali na niya ang pangako sa girlfriend niya. Sa dilim ng lugar na ‘to, di malalaman ni Aly kung sino siya. Di siya makakapagsumbong.
Ngayon, magpapakasaya siya. Ngayon, ibibigay niya lahat.
Pero nakawala ang isang kamay ni Aly at kinalmot siya sa pisngi. Napabalikwas sa gulat si Sage.
Agad namang kumuha si Cross ng isang bato at bigla itong pinukpok sa ulo ni Aly. Tumayo ang tatlong magkakaibigan sa paligid ni Aly. Pinagmasdan nila ang katawan ni Aly sa dilim at napansing wala na ang pagtaas-baba ng dibdib nito.
Tinignan ni Theo ang pulso ni Aly. “Patay na siya.”
Nahulog ang bato mula sa kamay ni Cross. Nanlaki ang kanyang mga mata. “H-hindi ko sinasadya,” kabado niyang sabi. Halatang nagulat din siya sa kanyang ginawa. Tumingin siya kay Sage. “Pare, seryoso, di ko talaga sinadya…”
Pero nakatitig lang si Sage sa lupaypay na katawan ni Aly.
Anong ginawa nila? Anong ginawa niya?
Muling bumalik ang takot na naramdaman niya kanina. Ito ang kinakatakot niya. Mabilis na uminit ang mukha niya at bigla niyang sinugod si Steel.
“T***ina! Sabi mo walang mangyayaring masama! Sabi mo di ako mapapahamak! T****tado ka! Papatayin kitang p*tangina ka!” pagalit na sigaw ni Sage habang sinusubukang suntukin si Steel. Naramdaman na lang niya na nakahawak na sa magkabilang braso niya sina Theo at Cross, pinipigilan siyang saktan pa lalo si Steel.
“Ano ba, Sage?! Tingin mo gusto ko ‘tong nangyari?” sigaw ni Steel, na siyang pinakakalmado sa kanilang apat. “Pare, di ko rin ‘to inaasahan!”
“Sinungaling kang p*tangina ka! Demonyo! Sat –”
Malakas na sinuntok ni Steel si Sage. “Tumahimik ka nga! Para kang p*tang putak nang putak!” Pinadaan niya ang kamay sa kanyang buhok. “Walang dapat makaalam ng nangyari, malinaw?” sabi niya sa tatlo. Tumango sina Theo at Cross habang nagpupumiglas pa rin si Sage. “Sige, tara na. Dalin niyo yang si Sage sa sasakyan tapos balikan niyo yung mga damit. Di pwedeng may maiwan tayo. Bilis!”
-------x
Don't forget to comment your reaction and click the little star up there if you liked this chapter. It really means a lot. :D
BINABASA MO ANG
Lilith Told Me To [Completed]
Horror[Short Story] Isa… dalawa… tatlo… apat… Pabulong na nagbibilang si Aly habang nakatitig sa puting pader sa kanyang harapan. Walang nakakaalam kung anong binibilang niya, pero lagi siyang tumitigil pagtapos ng “apat.”