Nakatayo si Aly sa harap ng naglalagablab na bahay. Hindi niya mapigilan ang pagluha habang pinagmamasdang nilalamon ng apoy ang lahat ng masasamang pangyayari sa kanyang buhay.
“Pinatay ko sila,” sabi niya nang mahina. Ngumiti siya sa lupa at inulit ang sinabi. “Pinatay ko sila.”
At sa mas malakas na tinig, “Pinatay ko sila!”
Inulit niya ito habang tumatawa, habang tumatalon, at habang humahagulgol. Sa buong panahon ay hawak niya ang kamay ni Lilith, na siyang nagdikta sa kanya ng kanyang ginawang paghihiganti. Sinunod niya si Lilith, pinakinggan niya si Lilith. Dahil si Lilith lang ang nakakaintindi sa kanya.
Si Lilith lang ang nagmamahal sa kanya.
“Nakita mo ba ‘yon, Lilith? Ginawa ko ang gusto mo!” nakangiti niyang sabi sa kanyang manika, ngunit di ito sumagot. Napalitan ng pagkalito ang mukha ni Aly. “Lilith, sinunod kita,” seryosong sabi niya sa manika. “Lilith, kausapin mo ako! Kausapin mo ako!” sigaw ni Aly habang niyuyugyog ang manika. “Sabi mo di ako mahal ni Sage! Sabi mo kailangan ko siyang parusahan para makasama kita! Bakit ayaw mo ako kausapin?!” Napaluhod si Aly habang umiiyak, hawak pa rin si Lilith sa kanyang mga kamay. “Lilith! Magsalita ka! Magsalita ka!!!”
Sa kanyang likuran, patuloy na naglalagablab ang bahay kasama ng apat na magkakaibigan.
Unti-unting tumahimik si Aly hanggang sa tumigil na ang kanyang pag-iyak.
At nagsimula siyang magbilang.
“Isa… dalawa… tatlo… apat…”
“Isa… dalawa… tatlo… apat…”
“Isa… dalawa… tatlo… apat…”
Hanggang sa may tumigil na pares ng paa sa kanyang harapan.
“Hello,” sabi ng boses ng isang lalaki.
Dahan-dahang tinaas ni Aly ang paningin hanggang sa mapatigil siya sa may balakang ng lalaki, kung saan tumambad sa kanya ang isang tattoo na mukhang ulo ng dragon.
Si Geeann ang nasa video, hindi ikaw! Hindi ako ang nang-rape sa ‘yo! Hindi ako!
Hindi siya…
Hindi si Sage…
Hindi siya hindi siya hindi siya…
Narinig ni Aly boses ng kanyang manika na tumatawa.
“Lilith?” sabi niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata, at biglang may humampas sa batok niya. Tumilapon siya paharap at sumubsob ang kanyang mukha sa apoy ng bahay.
Tumawa ang lalaki at sinumulan siyang hubaran ng damit.
Paulit-ulit ang pagtawa ni Lilith sa kanyang utak hanggang sa mawalan siya ng malay.
-------x
Don't forget to comment your reaction and click the little star up there if you liked this chapter. It really means a lot. :D
BINABASA MO ANG
Lilith Told Me To [Completed]
Horror[Short Story] Isa… dalawa… tatlo… apat… Pabulong na nagbibilang si Aly habang nakatitig sa puting pader sa kanyang harapan. Walang nakakaalam kung anong binibilang niya, pero lagi siyang tumitigil pagtapos ng “apat.”