Mag-isa lang sa apartment niya si Theo. Malayo ang probinsya nila kaya napilitan siyang manuluyan mag-isa. Ngayon, wala ang iba niyang mga kasama kaya eto ang pinakamainam na panahon para magbasa siya ng Bibliya.
Masyadong malaki at malagim ang nangyari kagabi sa kanila, at di niya kayang magpatuloy sa buhay nang pasan niya ang bigat ng kanilang ginawa. Nais niya ngayong mapag-isa at humingi ng tawad sa Panginoon kahit matagal na nang huli niyang hawakan ang Banal na Libro.
Desperado siyang mabura sa kanyang isipan ang nagawa kay Aly.
Kinandado niya ang pinto ng kanyang apartment para siguraduhing walang ibang makakagambala sa kanya.
At biglang namatay ang ilaw sa buong bahay.
Maliwanag pa sa labas pero nabalot ng dilim ang buong apartment ni Theo. Kinabahan siya; nag-usal siya agad ng mahinang panalangin habang kabadong binubukas-sara ang switch ng ilaw, ngunit di talaga ito gumagana.
Kaya pinangingilabutan siyang pumunta siya sa kusina at kumuha ng dalawang mahahabang kandila at isang kahon ng posporo. Mabilis siyang nagtungo sa kanyang mesa kung saan nandoon ang kanyang Bibliya at doon sinindihan ang mga kandila. Nilagay niya ang mga ito sa kanyang harapan.
Pagkita niya’y nakabukas na sa kanyang harapan ang kanina’y saradong Bibliya. At nakaguhit ng pula ang bersikulong nagsasabing:
At kung ang isang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito!
“Psst."
"Whoever you are, stop this nonsense! Cross, ikaw ba yan?"
"Psst." narinig niya ito bandang likuran niya
"Cross tama na – ahh!!!" Pagkaharap ni Theo ay may biglang tumusok sa kanyang mga mata, kaya hindi niya agad nakita kung sino ang gumawa nun sa kanya
Sumigaw si Theo dahil sa sobrang hapdi na kayang nararamdaman mula sa dalawang kandila na nasa mata niya. Bigla niya itong hinugot dahilan upang mas lalo pang sumakit ang kanyang mata
"Sh*t! F*ck!!!" mangiyak -ngiyak na sabi ni Theo.
"Sino ka?!! Bakit mo to ginagawa!" Umiiyak na si Theo ng dugo dahil sa kandila na tinanggal niya sa kanyang mga mata.
May biglang lumapit kay Theo sabay bulong sa kanya ng:
"Hindi mo ba ako nakikilala?" boses babae ito, at alam niya kung sinong nagmamay-ari nito.
"Al-" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang hinila ng babae at siya dinala sa terasa ng apartment niya.
"Sabi ni Lilith, ito ang tunay na langit!" mala-demonyong sabi ni Aly, at tinulak niya si Theo.
Ramdam ni Theo ang hangin na humahambalos ka kanyang mukha habang inaantay ang sandal ng kanyang kamatayan.
At agad din bumagsak ang uluhang parte ng katawan ni Theo sa lupa.
Napisat ang ulo niya dahilan upang kumalat ang utak nito sa ibat-ibang direksyon ng kalsada. Ganon din ang nangyari sa kanyang katawan, na sumabog at nagkalat ng kanyang mga laman-loob.
-------x
Don't forget to comment your reaction and click the little star up there if you liked this chapter. It really means a lot. :D
BINABASA MO ANG
Lilith Told Me To [Completed]
Horror[Short Story] Isa… dalawa… tatlo… apat… Pabulong na nagbibilang si Aly habang nakatitig sa puting pader sa kanyang harapan. Walang nakakaalam kung anong binibilang niya, pero lagi siyang tumitigil pagtapos ng “apat.”