Pinihit ni Cross ang susi sa ignition ng van niya na siyang ginamit nila kagabi. Iba ang pakiramdam niya ngayon sa sasakyang ito dahil sa nangyari. Parang may malamig na hanging biglang dumampi sa batok niya.
Tumahimik lang siya habang umuugong ang makina. Parang kinakain siya ng sarili ng konsensya. Siya ang pumukpok ng bato sa ulo ni Aly. Siya ang pumatay sa kanya.
Pero di na dapat niya iniisip ‘yon. Di dapat niya pinapakitang mahina siya.
Kaya pinadaan niya ang isang kamay sa kanyang buhok at inapakan nang madiin ang gas pedal.
Pero di siya umabante. Anong problema?
Bumaba siya ng sasakyan at pumunta sa likod nito, kung saan nakita niyang nakakadena sa isang poste ang kanyang sasakyan. Kumunot ang noo ni Cross habang nababasa siya sa ulan.
Sinubukan niyang hatakin ang kadena, pero di ito matanggal. Umupo siya at sinilip sa ilalim kung saang parte ng kanyang sasakyan nakakabit ang dulo ng kadena. Nang makita ito, agad siyang humiga sa putikan at pumasok sa ilalim ng sasakyan. Hinatak niya ang kadena pero di pa rin ito matanggal.
Sa inis, sinuntok ni Cross ang ilalim ng sasakyan at tumingin sa taas ng ulo niya ay may nakita siyang isang pares ng paang nakaturo sa direction niya. Di niya alam kung kanino ito Kita ni Cross na wala itong tsinelas kaya puro putik ang paa nito.
"Uhm, excuse me pwedeng patulong?" sabi niya.
Pero hindi siya pinansin nito.
"P*tangina nga naman oh! Ang bingi! PWEDE PO BANG PAT-" Nahinto si Cross nang makita niyang may manikang bumagsak. Napako si Cross sa pwesto niya dahil alam niya kung sino ang may-ari nito.
"This is not funny! Sino ka ba ha? F*ck you, Theo! Ikaw ba yan?" Nagmamadaling umalis si Cross sa ilalim ng kotse.
Laking gulat niya ng nakita niya si Aly na may hawak na matulis na bakal.
“Lilith told me to send you to hell,” sabi ni Aly nang nakangiti.
“A-Al –” Pero di na nasabi ni Cross ang pangalan ni Aly dahil itinusok na ni Aly ang hawak niyang bakal sa noo ni Cross.
Nakanganga lang si Cross habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang noo.
At biglang umandar ang sasakyan niya. Sumabit ang nakausling bakal sa noo niya sa kadena at nadala siya nito. Mabilis ang takbo ng sasakyan habang kumakaladkad si Cross sa maputik at malubak na kalsada. Umikot-ikot ang katawan niya habang dinadala ng kadena.
Napahiyaw si Cross nang marinig ang pagkabali ng kanyang buto sa braso. Lumabas ang kanyang buto sa balikat, at kitang-kita ang pagkaputi nito habang patuloy siyang kumakaldkad sa lupa.
Nabali rin ang kanyang tuhod paharap at muntik nang maiwan ang naputol niyang binti kung hindi niya suot ang high-cut niyang sapatos na nakatali rin sa kanyang pantalon.
Biglang tumigil ang sasakyan at naalis sa pagkakasabit ang bakal na nakausli sa noo niya.
Bahagya pang nakikita ni Cross ang gilid ng kanyang sasakyan at nakitang walang tao sa harap nito kung saan dapat naroon ang nagmamaneho ng sasakyan. Umabante ang van at mukhang plano nitong umatras para sagasaan siya.
Gamit ang isa pang kamay, hirap na hinatak niya ang sarili papunta sa gilid ng kalsada.
Pero mabilis na umatras ang van at inipit ang kanyang mga binti.
-------x
Don't forget to comment your reaction and click the little star up there if you liked this chapter. It really means a lot. :D
BINABASA MO ANG
Lilith Told Me To [Completed]
Horror[Short Story] Isa… dalawa… tatlo… apat… Pabulong na nagbibilang si Aly habang nakatitig sa puting pader sa kanyang harapan. Walang nakakaalam kung anong binibilang niya, pero lagi siyang tumitigil pagtapos ng “apat.”