This story is dedicated to my bestfriend/virtual sister Sponggyana. Thank you for letting me used 'Caliberr's name. Hihi iloveyou, sissy!
♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
PROLOGUE
HUMINGA ako nang malalim habang mahigpit ang hawak sa seradura ng pinto. Ang isang kamay ko naman ay may hawak na bulaklak. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo sa harap nito.
Nanginginig ang buong katawan ko. Ang tibok ng puso ko ay mabilis, animo may humahabol. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o uuwi na lang.
Bumitaw ako at tumalikod. Uuwi na lang ako.
"J-January?" Tumigil ako sa paghakbang pero hindi ako lumingon sa tumawag sa akin. Kahit hindi ko ito tingnan, kilala ko ang may-ari ng boses nito. "Where are you going? Hindi ka ba papasok?" tanong nito.
Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago marahang pumihit paharap dito. Blangkong tingin lang ang binigay ko sa kaniya habang siya, punong-puno ng guilt ang mukha.
"Hindi na muna siguro," sabi ko. Kumunot ang noo nito at tila nagtatanong ang mga mata.
"Pero—"
"Look, I think he need some time and s-space. Maguguluhan lang siya k-kung lalapitan ko siya," putol ko sa sasabihin niya.
Pinagkrus nito ang mga braso at laking gulat ko nang mabilis na magbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ang kaninang puno ng guilt ay napalitan ng nag-aalab na galit.
"At sa tingin mo tama 'yang paglayo mo? Ang pag-iwas mo?"
"Claire—"
"Hindi ikaw 'to, e! Hindi ikaw 'yung January na kaibigan ko. 'Yung January na handang ipaglaban ang kuya ko!" Ngumiwi ako dahil sa narinig kong sinabi nito. Ang mga taong naglalakad sa kahabaan ng pasilyong ito ay nakamasid na sa amin. Mapapatingin at saka magbubulong-bulungan. "He need's you, Jan," mariing bulong nito.
Nangilid ang luha sa aking mga mata. Nagsisikip ang dibdib ko. Tila may nakabara sa aking lalamunan. Tumingala ako sa kisame ng ospital na iyon. Pilit pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
"H-hindi niya ko kailangan, Claire," nauubusan ng pag-asa kong sabi. Wala sa kaniya ang aking paningin.
"He need's you. Ikaw lang ang makakatulong sa kaniya. H'wag mo sukuan ang kapatid ko."
Mabilis akong umiling. "Hindi ako sumusuko—"
Tumawa ito ng peke. "Ano tawag mo sa pag-iwas mo na 'yan?"
"Hindi kasi gano'n kadali, Claire! Kung alam mo lang! Kung alam lang ninyo kung gaano ko kagustong pumasok sa loob at magpakilala sa kaniya. Gustong-gusto kong lapitan siya pero n-natatakot ako! Takot na takot ako, Claire!" Ang mga luha ko ay hindi ko na napigilan. Pati ang pagkabasag ng boses ay tuluyan nang umalpas.
Tila nakuha nito ang ibig kong ipakahulugan. Tumango ito at suminghot. Nang magsalubong ang mga mata namin ay namumula na rin ang mga mata at ilong nito.
"Alright, then. But please, pumasok ka. Tingnan mo si kuya. Kahit h'wag ka magpakilala pero tingnan mo siya, Jan," pakiusap ni Claire bago ako iniwan at pumasok sa kwartong iyon.
Mabilis kong pinunasan ang mga mata kong basa ng luha. Pilit kong kinompustura ng ayos ang aking sarili. Muli akong huminga ng malalim at humakbang palapit sa pinto.
Ayaw kong guluhin ang isip niya pero hindi ko kayang hindi siya makita.
Pinihit ko ang seradura. Langitngit ng pinto ang narinig ko. Ang malakas na bugso ng malamig na aircon ay mabilis na gumapang sa aking balat pero hindi ko iyon masyadong binigyan ng pansin.
BINABASA MO ANG
Fixed In The Heart (COMPLETED)
Historia CortaDate started: October 26, 2017 Date finished: October 27, 2017 All rights reserved 2017 © EmpressAffy13