🌹CHAPTER 9🌹

799 42 2
                                    

CHAPTER 9

"AALIS na ko," paalam ko sa kaniya. Nakatayo na ako ngayon sa harap niya at ganoon din siya sa akin. Nakapasok sa bulsa ng pantalon niya ang mga kamay niya at nakatitig sa akin.

Wala na si Maika dahil hinatid siya nila Timothy at Claire sa kung saan. Hindi pa sila bumabalik at wala akong pakielam.

Huwag na sana siya bumalik pa.

"D-dito ka na k-kumain," ani Cali. Nabigla man ako pilit akong ngumiti.

"Hindi na. Uuwi na lang ako sa a-apartment ko." Sumulyap ako sa kaniya. Ang galit na mga mata niya ay napalitan na ngayon ng pagiging mapungay.

"Ihahatid na kita."

"H-huwag na. Pumasok ka na sa loob, saka baka magalit pa si Mai—"

Bigla niya akong kinabig at yinakap. Nag-init agad ang mga mata ko.

"Wala akong pakielam sa kaniya," bulong niya.

Gusto ko gumanti ng yakap pero hindi ako makakilos.

"Hindi ko alam kung bakit hindi kita maalala. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng pwedeng makalimutan ko, ikaw pa... Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto ko mainis sa'yo dahil palagi kang nasa ospital. Palagi kang  nakadikit sa pamilya ko. Pero kahit gano'n, may isang parte sa puso ko natutuwa dahil nandoon ka. Hindi ko maintidihan... Ikaw ang sinusunod nila, desisyon man o kahit sa simpleng damit ko, ikaw ang nagdadala at naghahanda. Nagtataka ako kung bakit alam mo ang ayaw at gusto ko. Kahit ang buong pangalan ko ay alam mo," paliwanag niya habang nakayakap sa akin.

"Pilit kong binalewala dahil baka kako trip mo lang. Baka isa ka lang sa mga may gusto sa akin kaya ka gano'n. Isa lang kasi ang natatandaan ko... Si Maika. Siya ang girlfriend ko at s-siya ang mahal ko," turan niya dahilan para kumalas ako sa kaniya ng dahan-dahan.

"M-mahal mo siya?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

Tila naging hudyat iyon upang maguluhan ako.

"Pero nang marinig ko ang mga sinabi mo nung nasa ospital ka at may lagnat, naging pamilyar ang mga sinasabi mo sa akin. Malabo kaya pinipilit kong alalahanin ang lahat. Pinipilit kong luminaw ang mga malalabong pangyayari. Pero... Sumasakit lang palagi ang ulo ko."

Gusto ko maawa sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ginawa sa kaniya ng tadhana ang bagay na ito. Mabait si Cali. Hindi niya deserve ang mga ito.

"Wala akong maalala pero ramdam ko sa puso ko... Espesyal kang tao. I'm sorry kung huli ko na napagtanto. I'm sorry kung h-hindi ka agad nakilala ng puso ko, January."

Sinalubong ko ang mga tingin niya. Mapupula ang mga mata niya pati ang ilong. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatong sa dibdib nito.

"Kapag nasa paligid kita, naghuhumirintado ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon... Gusto kong sabihin sa'yo, January. Kilalang-kilala ka ng puso ko kahit na anong mangyari. Hayaan mo sana akong bumawi sa'yo kahit na nasaktan kita."

"Paano si Maika?" Pumiyok ang boses ko nang banggitin ko ang babae.

Sumimangot siya. "I don't know."

"Masasaktan ang g-girlfriend mo—"

Natigilan ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Dampi lang iyon pero iba ang pakiramdam.

"Wala akong girlfriend."

Namuo ang luha sa aking mga mata. "W-wala? Pinapapili ka nga kanina ni Maika. Ang kapal ng mukha niya!" inis kong sabi. "Paano mo nasikmurang halikan 'yon? At sa harap ko pa!" singhal ko.

Humigpit ang yakap niya sa akin at muli akong hinalikan. "Ewan ko rin. Sorry na. Wala naman talaga akong alam. Hmmmn I miss you."

Dahil sa sinabi niya, gusto kong umiyak na parang bata. Ang malambing na boses niya ay parang naging kamay na siyang humaplos sa puso ko.

Sana bumalik ka na. 'Yung ikaw na nakikilala ko at pinakasalan ako.

"PASENSYA ka na talaga, hija. Hindi ko naman talaga gusto na tawagan si Maika sa tuwing magwawala si Cali. Ikaw talaga ang balak ko pero natatakot din kasi ako. Baka lalong lumala ang sakit niya kapag ikaw ang n-nakita niya."

Nasa sala kami at katatapos lang maghapunan. Nakaupo ako sa tabi ni Mommy Isabelle habang nasa kabilang gilid ko si Cali. Prenteng nakaupo siya at nakasandal. Nakapatong ang siko nito sa arm rest habang ang kamay ay nakahawak sa noo. Tila nag-iisip ng nakapikit.

"Okay lang, mommy. I understand."

"Nahihiya kami sa'yo, ate. Sorry po talaga." Biglang sumingit si Chelsy sa gitna namin ni Cali at yumakap sa akin.

"Chelsy, umalis ka nga r'yan!" singhal ni Cali sa bunsong kapatid.

"Ba't ba kuya? Hindi mo naman siya naaalala,  'di ba?" Halata sa boses nito ang panunudya sa kuya.

"Shut up!"

"Kayong dalawa, maglubay na kayo!" saway ni Mommy Isabelle sa mga anak.

Kahit paano ay natutuwa na rin ako. Alam kong gusto rin makaalala ng asawa ko. Alam ko na darating ang araw na maaalala niya ko.

"Letse 'yung babaeng 'yon! Naku!" boses ni Claire ang bumungad sa pinto nang bumukas ito.

"Kumalma ka na nga kasi!" galit na ring turan ni Timothy sa nobya.

"Paano akong kakalma? Ang malanding 'yon! Hinalikan ka sa harap ko? Desperada na siyang tunay! Ano? Hindi niya makuha ang kapatid ko kaya ikaw na lang?"

"Bakit sa akin ka nagagalit?"

"Dahil hindi ka umiwas!"

"W-what? Malay ko bang gagawin niya 'yon?"

"Hello, guys! We just want to inform you that we're still here!" ani Cindy habang kumakaway at tinuro kaming lahat.

"Anong sabi mo, ate? Hinalikan ni Maika si Kuya Timothy?"

Sumandal ako sa sofa at hindi iniiwasang masandalan ko ang braso ni Cali. "S-sorry," mahinang sabi ko.

Hindi siya sumagot pero nakatitig lang siya sa akin. Kung kailan pa niya ako tinitingnan ay hindi ko alam.

Umayos ako ng upo. Humikab na rin ako dahil inaantok na ko.

Kailangan ko na yatang umuwi.

"Inaantok ka na ba?" tanong ni Cali sa akin.

"Mmm. Uuwi na siguro ako."

"Gabi na. Dito ka na matulog," bulong din niya.

Tiningnan ko siya nang seryoso. Sa totoo lang, ayaw ko na rin bumyahe. Pakiramdam ko ay masyado akong naubusan ng lakas dahil sa mga  nangyari.

"H-hindi na." Tumayo ako at sumulyap kay Mommy Isabelle. "Mommy, mauuna na po ako."

"What?" Halos lahat sila at sabay-sabay na nag-react.

"U-uuwi na po a—"

"No." Tumayo pa si Chelsy at kumapit sa akin. "Stay here, ate. Bahay mo rin naman 'to, 'di ba?"

"Hindi ka pwedeng umuwi nang ganitong oras, hija. Dito ka na matulog."

Tumingin ako sa kanilang lahat. Nakangisi si Timothy. Si Claire bagama't naka simangot, kumindat pa sa akin. Si Chelsy naman ay pinisil pa ang braso ko. At si Cindy, nag-sign pa ng 'fight!'

At nang dumapo ang mga mata ko kay Cali, laking  gulat ko nang makilala ang ngisi na nasa mukha nito. Iyong ngisi na kapilyuhan ang alam.

Pakiramdam ko ang pula-pula ko. Bumuntong-hininga ako bago ako nagsalita. "Fine. Pero sa guess room po ako matutulog."

Fixed In The Heart (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon