🌹CHAPTER 10🌹

826 38 2
                                    

CHAPTER 10

LUMABAS ako sa terrace ng guess room. Malamig ang hangin na dumadampi sa aking balat. Naka-wardrobe ako at sa loob nito, ang manipis kong pantulog. May mga ilang piraso ako ng damit dito. Bago kasi kami maaksidente ni Cali ay dito kami natutulog every weekend.

Pinagkrus ko ang aking mga braso ko saka tumingala. Payapa ang gabi. Tanging huni ng mga kuliglig ang naririnig ko sa paligid.

"Akala ko ba inaantok ka na?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Cali sa likod ko.

"God! G-ginulat mo naman ako, e!"

Tumawa siya ng mahina. Nakasandal siya sa pasimano ng pintuan. Nakapunting sando siya at panjama. Kahit na medyo madilim at tanging liwanag na galing lang sa buwan ang ilan sa paligid ay kitang-kita ko kung gaano siya kaguwapo at katipuno.

Ngayon ko lang napansin na medyo pumayat siya dahil sa lumiit ang nga biceps niya.

Humarap ako sa kaniya at sumandal sa railings. Deretso ko siyang tiningnan.

"Gusto kong mag-sorry," aniya saka umayos ng tayo.

"Para saan naman?" tanong ko.

Humakbang siya palapit sa akin habang mariing nakatitig. Nang nasa tabi ko na ay huminto na siya. "Nasungitan kita. Nasaktan. Pisikal at emosyonal. Gustong-gusto kong sabihin sa iyo na nagsisisi na ako sa mga nagawa ko. Hindi ko alam kung bakit tayo naaksidente. Hindi ko alam ang dahilan pero siguradong ako ang may kasalanan."

Hindi ako makapagsalita. Heto na naman ang tila hangin na naging bato na siyang bumara sa aking lalamunan.

Hinawakan niya ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Tiningnan ko iyon at mabilis na dumapo kay Cali ang mga ito. Nagtataka ko siyang tiningnan.

Hindi niya inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. Mas lalo niya itong hinawakan, this time, gamit na ang dalawang kamay nito. Pinipisil na parang sa paraan na ito, magiging pamilyar ako sa kaniya.

Kuminang ang gold wedding ring na nasa daliri ko. Maski ito ay kaniyang hinawakan at tinitigan.

May kung ano sa puso ang nagwawala dahil sa ginagawa niya. Nagsasaya, nagdidiwang. Ewan ko.

Suminghot siya at nag-iwas siya ng tingin. Nahagip ng mga mata ko ang  pasimpleng pagpunas niya ng kaniyang luha.

"Nung una kitang makita, may bumubulong sa akin na kilala ko 'siya. May kung ano sa puso ko ang nagsasabing importante siya sa akin."

Namuo ang luha sa aking mga mata. Nakatitig ako sa mga kamay naming magkasalikop.

"I'm sorry, Jana. I'm sorry kasi hindi ka maalala ng isip ko. Sinusubukan ko pero sumasakit lang ang ulo ko."

Umiling ako. "Hayaan na lang natin. Huwag mo na pilitin. Mas mahalaga kung ano 'yung nararamdaman mo. 'Yan ang mahalaga sa akin." Tuluyang pumatak ang luha sa aking mga mata nang bigla niya akong yakapin.

Hindi mahigpit. Hindi maluwag. Sapat lang upang maging komportable kami sa isa't isa. Ang amoy niya kapag bagong ligo, ang tibok ng puso niyang sumasabay sa akin. Ang yakap niya.

Ang tagal kong hindi naramdaman si Cali pero ngayon, baliwala na sa akin. Ang mahalaga ay kasama ko siya.

Lumayo siya sa akin at tumitig sa aking mga mata. Mapupungay ang mga ito at tila nagsusumigaw ng kung ano.

Hinawakan niya ang aking leeg habang ang isang kamay niya ay gumapang sa bewang ko. Gumapang ang kilabot na siya lang ang nagdudulot nang bigla niyang pisilin ang balakang ko.

"Can I kiss you?" tanong niya.

Amoy mint ang hininga ni Cali. Ang bango pati ang showergel na ginamit niya ay nalalanghap ko. Medyo basa pa ang kaniyang buhok. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinatong sa kaniyang balikat.

"Ayoko nga!"

Nagulat siya pero ngumuso mayamaya. "Ay ang damot! Kiss lang. Promise! Hindi ako mangangagat."

Natigilan ako pero napangiti ako.

Siya na talaga ang Cali ko. Walang duda. Kilalang-kilala nga ako ng puso niya.

Laking gulat niya nang ako mismo ang tumingkayad upang magdikit ang aming mga labi. Sandali lang iyon at banayad. Mayamaya pa ay naghiwalay din kami at nagkatitigan.

"God! I miss you," wika niya saka ako sinunggaban ng halik. This time, siya na ang unang humalik. Marahan niyang hinahalikan ang aking ibabang labi habang ang kamay niya ay humahaplos sa aking leeg at braso.

Umungol ako nang maramdaman ang pamilyar na kuryente na siya lamang ang gumagawa.

"Shit! Lovesy, I love you," ani Cali na lalo kong ikinagulat. Nagpatuloy kami sa paghahalikan hanggang sa pumasok kami sa kwarto at doon, muling pinaramdaman namin kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na siyang nagmumula sa bintana. Bahagya akong kumilos at naramdaman ko ang mabigat na hita at binti ni Cali na nakapatong sa aking katawan.

"Goodmorning," bati niya sa akin.

"M-morning. Gising ka na pala. Hindi mo man lang ako ginising. Anong oras na ba?"

"Nine o'clock," sagot niya habang inaayos ang buhok kong gulo-gulo. "Pagod ka, e. Magpahinga ka lang muna."

"Hindi pwede. Marami akong trabaho sa office." Tatayo sana ako pero napagtanto kong wala akong damit.

"Ang sexy mo," aniya sa akin. Nag-init agad ang pisngi ko. Kinuha ko agad ang kumot at binalabal sa katawan ko. "Hey... Dito ka lang." Hinila niya ako sa kamay dahilan upang bumagsak ako sa ibabaw niya.

"C-cali!"

Tumawa ito nang mahina saka inalis ang kumot sa katawan ko. "Mamaya ka na bumangon. I miss you na kaya!"

Hindi na ako nakapalag pa lalo na nang magsimula na naman siyang halikan ako sa bawat parte ng katawan ko.

"GOODMORNING, guys! Tinanghali 'ata kayo ng gising? Tell us. Anong ginawa ninyo?"

"Cindy!" saway ni Mommy Isabelle sa anak.

Halos magkulay kamatis ako dahil sa pamumula ng aking buong mukha. Naglakad ako patiuna kay Cali at dumeretso sa silyang palagi kong pinupwestuhan. Siya naman ay kalmadong naglalakad at nang makaupo siya sa tabi ko ay mabilis niyang hinawakan ang aking kanang kamay. Iniangat niya iyon sa ibabaw ng lamesa at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Uy... mukhang naalala na ni kuya si ate!"

"H-hindi pa." Liningon nila akong lahat. Nawala ang mga ngiti nilang malapad kanina. Kahit si Cali ay natigilan.

"Pero—"

"Don't worry. Alam kong maaalala rin niya ko, soon."

Pinisil ko ang kamay ni Cali upang iparating sa kaniya na ayos lang ang lahat. Na magiging okay din ang mga bagay na hindi. Na muli niya akong mababalik sa isip niya, sa tamang panahon.

Fixed In The Heart (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon