🌹CHAPTER 5🌹

705 43 0
                                    

This chapter is for our Conscriptors' founding father, Winfour2. #Abnormal hahaha basahin ninyo ang #Domino at #Ben na stories niya. Maganda po.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 5

MULI akong nagising at madilim na sa labas. Tumayo ako at nakita kong nagsusulat si Cali sa isang note book. Nahihilo man ay pilit akong tumayo dahil gusto ko na magbanyo. Natawa pa ako nang bahagya nang makitang may medyas ako sa aking mga paa.

Lumingon sa gawi ko si Cali pero nag-iwas din agad ng tingin. Ako naman ay nagtiis para makapunta sa banyo.

Nang matapos ako ay maingat akong lumabas upang makabalik sa sofa.

"Bakit nandito ka pa? Bakit hindi ka na lang umuwi o magpa-confine sa ibang kwarto?" seryosong tanong ni Cali na kinagulat ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit ka palaging nandito. Kung ang dahilan mo ay kaibigan ka ni Claire, masyadong mababaw." Tiningnan ko siya. Nasa ginagawa niya ang mga mata niya at wala sa akin.

Tumikhim ako. "M-may binibisita kasi ako r-rito," paos ang boses ko. Hindi ko alam kung saan at paano ko ito nakuha pero wala talaga akong boses.

"Bakit nandito ka? Hindi ba dapat nandoon ka sa taong binibisita mo?"

Umupo ako at sumandal. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Palagi niya kong inaaway. Palagi niya kong sinusungitan. Palagi niya kong tinataboy." Dala na siguro ng sama ng pakiramdam ko, naglabas na ako ng sama ng loob ko. Hindi ko na napigilan. "Alam mo bang ang sakit makitang masaya sa iba ang taong mahal mo? 'Yung tipong nakalimutan ka niya at iniwan sa ere?"

"E, bakit pinagpipilitan mo ang sarili mo sa kaniya?"

"Mahal ko, e. Siya kasi 'yung taong... N-nakasama ko sa mga panahon na wala akong kasama sa mga problema ko. Palagi siyang nasa tabi ko para pasayahin ako, para patawanin ako at para alisin ang lungkot ko."

Hindi siya sumagot.

"Naaksidente kami... Alam mo bang yinakap niya ko bago kami sumalpok sa malapad na katawan ng isang puno?"

Wala pa rin siyang imik.

"Isang buwan na na kaming hindi nakakapag-usap nang gaya noon. Biruan. Harutan. Hindi na namin magawa ulit kasi... Ayaw na niya sa akin. Pinagtatabuyan niya ko. H-hindi na niya ko mahal." Hindi ko na naiwasan ang pagbagsak ng mga luha ko. Ang bigat-bigat na kasi ng dibdib ko. Pakiramdam ko, mag-isa lang ako. Pakiramdam ko, talong-talo na ako. "I miss him so much. 'Yung paraan ng pag-puri niya sa akin, kung sabihan niya ko nga 'beautiful wife' wagas. Damang-dama ko naman." Kahit umiiyak, natawa ako ng bahagya.

Wala pa rin siyang kibo. Nagpatuloy ako.

"Nakilala ko siya, six years ago. Naging mag-bestfriend kami dahil sa isa pa naming kaibigan. Naging close kami dahil siya 'yung karamay ko nung panahon na... L-lokohin ako ng boyfriend ko. Habang tumatagal, minamahal ko na siya. Gano'n din siya sa akin. Hanggang sa wakas, mag-break kami ng manloloko kong boyfriend. Linigawan niya ko. Lahat ginawa niya para iparamdam sa akin na may mga taong handang mahalin ako. Pinakilala niya ko sa mommy niya. Sa tatlong puro babae niyang mga kapatid. Kahit nga sa puntod ng daddy niya, dinala niya ko." Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.

"Buong buhay ko, pakiramdam ko, wala akong kakampi. Wala ang parents ko dahil saparated sila at may kaniya-kaniyang pamilya. Eighteen na ako noon nang maghiwalay sila kaya naman ako na ang bumuhay sa sarili ko. May sustento silang pareho na binibigay sa akin pero nagtrabaho pa rin ako. Nagsumikap ako. Ayokong dumating ang araw, susumbatan nila ko. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Lovesy. Siya ang gumabay sa akin. Minahal niya ko at pinakilala sa pamilya niya. Lahat ng gusto ko, suportado niya. Mabait siya at mahal na mahal niya ko. Nagpakasal kami last year. Third anniversary namin 'yon mula nang maging mag-on kami. Parang panaginip 'yon kasi ang ganda-ganda. Ang theme ay fairy tale na fairy tale. Ako raw kasi ang princess at siya ang prince. Korni 'yong Lovesy ko pero mahal na mahal ko 'yon."

Patuloy ako sa pag-iyak. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko. Hirap na hirap ako huminga at magsalita pero gusto kong ipaalala sa kaniya ang mga nakaraan namin.

Bahala na.

"Sinanay niya ko na palaging dumepende sa kaniya. Gusto niya, palagi ko siyang katabi. Gusto niya kaniya lang ako. Selfish pero sweet."

Sinubukan ko siyang tingnan at nakita kong nakatulala siya at nakikinig.

May kumurot sa puso ko.

"Naaksidente kami kasi nawalan siya ng focus sa pagmamaneho. Nagalit siya kasi may sinabi ako about sa isang kliyente namin sa office. Nagsisisi ako kasi sinabi ko pa. Nagsisisi ako kasi kung hindi siguro ako naging madaldal, hindi kami magkakaganito..."

"Nagising ako kinabukasan, matapos kaming maaksidente. Masakit ang buo kong katawan. Bugbog na bugbog ako at halos hindi ako makagalaw pero hindi masyado ininda. Hinanap ko si Lovesy pero sabi nila... N-nasa ICU raw ito at hindi pa sigurado kung... Makakaligtas. Iyak ako nang iyak dahil pakiramdam ko, mawawala siya sa akin. Nagmakaawa ako sa mga nurses at doktor na kung pwede, pupuntahan ko ang asawa ko kaso nagulat na lang din ako, bigla akong natumba at nawalan ng malay..." Sinulyapan ko siya. Nakatitig na siya ngayon sa akin. "And then I found out, I miscarriaged our b-baby that t-time," nabasag ang boses ko dahil sa lalong pag-iyak.

"Alam mo 'yung feeling na, nag-aagaw buhay 'yung asawa mo, hindi mo alam kung kailan gigising tapos m-mawawala pa 'yung baby ninyo na nasa tiyan pa lang? Pakiramdam ko, wala akong kwentang tao. Ako ang may kasalanan ng lahat. Sising-sisi ako. Kung puwede lang sana na ako na lang ang pumalit sa pwesto nilang dalawa, gagawin ko. Kahit wala akong lakas, madalas ako pumunta sa chapel. Nagdarasal ako na sana... 'wag nila kunin sa akin ang asawa ko. Hindi ko kakayanin, e. B-but you know what?" Nakatitig ako sa kaniya bagama't hilam ako sa sarili kong mga luha. "Dininig nila ang dasal ko. Hindi nila binawi ang mahal ko. Hinayaan nilang mabuhay pa ito pero... pero h-hindi niya ko maalala."

Hinawakan ko ang labi ko dahil hindi ko na alam kung paano pipigilan ang luha ko at ang pagpalahaw ng iyak.

Gusto kong mawala ang lahat ng sakit.

Gusto kong bumalik kami sa dati.

"K-kung mahal ka niya, m-maaalala ka niya. Pero kung h-hindi... Tama na. Sumuko ka na," aniyang kinatigil ko sa pag-iyak. Tiningnan ko siya. Nakatitig siya sa akin. Bakas sa mukha ang awa at sakit? Imahinasyon ko lang ba? Namumula ba ang mga mata niya?

"Yeah... I think you're right. Madali sabihin pero ang hirap gawin. Don't worry... Susubukan ko s-siyang kalimutan."

Tumayo ako kahit na nahihilo. "Saan ka pupunta—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang yakapin ko siya. Mahigpi na mahigpit. Iyong paraan lagi ng pagyakap niya sa akin noon.

"J-january," aniya. Gulat na gulat.

"Please... Let me do this, kahit ngayon lang, Caliberr. Promise... This will be the last."

Fixed In The Heart (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon