CHAPTER 6
DALAWANG linggo ang mabilis na lumipas. Sinunod ko ang pangako kay Cali. Hindi na ako muling nagpakita sa kaniya. Tama naman din kasi ang sinabi nito.
"K-kung mahal ka niya, m-maaalala ka niya. Pero kung h-hindi... Tama na. Sumuko ka na,"
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng office. Alas-nuwebe pa lang ng umaga pero tirik na masyado ang araw. Tumingala ako at linagay ang isang kamay sa aking noo, tila nakasaludo, upang huwag masyadong masilaw.
Tumunog ang phone ko at dali-daling sinagot.
"Ate!" masiglang bungad ni Chelsy sa kabilang linya.
"Mmm? Napatawag ka?"
"Wala naman. I miss you, ate. Hindi ka ba bibisita rito sa bahay?"
Nung isang linggo pa nakauwi ng bahay si Cali. Wala pa rin siyang maalala kaya roon muna siya tumitira sa bahay nila Mommy Isabelle. At ako? Sa apartment ko muna ako tumutuloy. Hindi ko kaya tumagal sa bahay namin ni Cali nang mag-isa lang ako. Baka mabaliw lang ako.
"Hindi ko lang alam, Sy. Maraming event ngayong June ang kailangan kong asikasuhin," wika ko habang pasakay ng kotse.
"Gano'n ba, ate?" bakas sa boses nito ang lungkot. "Pero papasyal ka naman dito sa birthday ni Kuya Cali next week, 'di ba?"
Natigilan ako. Twenty sixth birthday na nga pala niya next week.
Sinuot ko ang bluetooth earphone ko at kinonekta sa aking phone upang makapag-drive habang kausap ko si Chelsy.
"Y-yes, of course. Gagawan ko ng paraan para makapunta ako."
Nagsimula akong magmaniubra at magmaneho. Mabuti at walang traffic. Kailangan ko umattend ng isang breakfast meeting with Charles Dominguez.
Yes. He's my ex-boyfriend five years ago. Ang lalaking pinagseselosan ng asawa ko.
Nagkausap na kami kung tungkol saan ang sasabihin niya. Ang laking ginhawa nang malaman kong tungkol lang pala sa gaganaping Baptismal event ng baby niya ang dahilan.
"T-talaga, ate? Nice nice! We're so excited to see you again. Miss na miss ka na namin lalo ni Kuya Cali!" Tumawa siya sa kabilang linya kaya nahawa ako.
"Imposible," bulong ko.
Tinapos ko na rin agad ang pag-uusap namin dahil ayaw kong mawalan ako ng focus sa pagmamaneho.
Mahirap na. Baka maaksidente pa ako at makalimot din ako.
Ngumiwi ako sa naisip ko. Ang ironic ng buhay. Minsan hindi talaga patas, e.
Nakarating ako sa meeting place namin ni Charles. Nandoon na sila ng asawa niya at ng baby nilang babae. Super cute nilang tingnan dahil naka-coupled polo shirt ang mag-asawa habang naka-floral dress naman ang five months old na baby nila. Same color with their polos.
"I'm so sorry. Late na ba talaga ko?" tanong ko kina Charles at Amanda na nakangiti sa akin.
"No no. Maaga ka pa nga ng ten minutes. Napaaga lang talaga kami dahil may kinuha kaming pastry nitong wife ko."
Ngumiti ako kay Charles at ganoon din kay Amanda. "Really? Mabuti naman kung gano'n," nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nila.
Nagsimula kaming mag-usap patungkol sa binyag ng baby nila. Pink and white ang motiff and Little Princess ang theme. Naging maayos naman ang flow ng pag-uusap namin at sa huli, nai-set ang date sa gusto nilang araw.
June 23
Birthday iyon ni Cali pero ayos lang. Umaga naman ginaganap ang binyag kaya makakapunta pa ako sa party ni Cali.
"So, how are you, Jana? It's been five years, right?" tanong ni Charles habang kumakain kami.
"Mmm. Five years na nga at napakatagal na."
"Nabalitaan namin 'yung nangyari sa husband mo. How is he?" tanong ni Amanda pagkainom ng ice tea.
Kahit ako ay sumimsim muna ng inumin ko. "Hindi ko alam kung magiging okay pa siya. I mean, he's doing great. Nakauwi na siya sa bahay ng mga in-laws ko pero..." Hindi ko na naituloy dahil namuo agad ang mga luha ko sa aking mga mata. "I'm sorry," wika ko at mabilis na inayos ang sarili.
"It's okay, it's okay, Jana. Kami ang dapat na mag-sorry dahil namakielam pa kami sa pribadong buhay mo," ani Amanda.
"A-ayos lang. Kahit paano naman ay natatanggap ko na 'yung nangyri sa asawa ko. Pero kahit paano ay umaasa pa rin ako na isang araw, he'll remember me."
Naramdam ko ang kamay ni Amanda na humawak sa kamay na nakapatong sa table.
"Just keep on praying, Jana. Magiging okay din siya."
Ngumiti ako. "Thank you. Hopefully... hopefully."
"Humanda sa akin 'yung Cali na 'yon. Pagtapos niyang kausapin ako noon na hiwalayan na raw kita at ipaubaya sa kaniya, ngayon ay ganiyan siya sa'yo."
Pinalo ni Amanda ang braso ng asawa. "Hindi alam ni Cali ang nangyayari at walang may gusto noon, Charles."
Natawa naman ang lalaki. "I know, babe. I'm just kidding here." Nagtaas pa ito ng dalawang kamay, sign ng pag-surrender sa misis. "Don't worry, Jana. Everything will be fine at maaalala ka niya."
"Yeah. If he loves you truly, hindi ka man maalala ng isip niya, puso mismo niya ang makakaalala sa'yo."
Ganiyan din ang sinabi niya sa akin.
Sana nga. Sana lang talaga.
"Pero seryoso, kinausap niya ko noon. Pinuntahan pa talaga niya ko sa bar na pinapasukan ko. Akala ko nga lasing siya at nantitrip lang pero hindi. Seryoso talaga siya. Sinabi niyang kung hindi pa kita hihiwalayan, ipatatanggal daw niya ko sa trabaho ko."
Napangiti kami ni Amanda. "Sira talaga ang ulo no'n."
"Sumunod ka naman?" tanong ng asawa niya.
"No. Of course not, babe. That time kasi mahal ko 'tong babaeng 'to kaya sabi ko, umasa siya."
Tumawa silang dalawa.
Seryoso? Hindi ba nakararamdam ng selos 'tong si Amanda? Ibang klase sila.
"Tapos?" punong-puno ng interes na tanong ni Amanda.
"Tapos? Anong tapos?"
"Haist! Babe, ideretso mo nga ang kwento mo. Pabitin ka pa, e!"
Tumawa ito saka hinalikan ang kamay ng asawa.
Gumapang ang inggit sa katawan ko.
Ganiyan na ganiyan si Cali sa akin noon. Ang mga simplengs gestures niyang nagpapaiba ng sistema ko.
Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi nila. Nakahinga ako ng maluwag at nagkaroon ng kaonting pag-asa na balang-araw, isang araw, hahanapin ako ng asawa ko.
BINABASA MO ANG
Fixed In The Heart (COMPLETED)
Historia CortaDate started: October 26, 2017 Date finished: October 27, 2017 All rights reserved 2017 © EmpressAffy13