"ARMYs! I have something to tell you." sabi ni Jimin nang matapos nilang ipakilala sa harap ng madaming fans. "I like someone."
Nagsigawan ang mga fans; ang iba sa tuwa, ang iba naman ay sa lungkot at sakit. Ako naman, nanlaki lang ang mata ko. I've been with them these past few months but he never opened up something like this.
Ang ibang members ay nasa likod niya lang, parang alam na ang nangyayari.
"Among this crowd, she's the only girl that I can see," saad niya at biglang tumingin kung saan ako nakapwesto.
Wtf wait. Puso ko.
Nope. Pwedeng nasa likod ko o etong katabi ko na kanina pa sigaw ng sigaw. Pero paano niya naman makikilala 'tong mga 'to, hindi ba? We've been together for months pero wala naman silag nakakasamang iba and mas lalong wala silang nakkwento sa aking ganito!"Please don't hate her because all she does is to make me smile every time I see her." ngumiti siya. "Veronica, I like you."
Pagkasabing-pagkasabi niya nun, naramdaman ko ng mag nanghahampas sa akin---
"VERONICA!" napatayo agad ako sa pagkakahiga ng biglang may sumigaw.
"ANO?!" Ouch. Unan pala 'yun. Tumama sa mukha ko. "BAKIT KA BA NAMAMATO HA?!" sigaw ko. Kinusot ko naman ang mga mata ko kaya bigla kong nakita ang sala ng bahay ng BTS--- at ang dilim na. Ang dim lights sa gilid ang tanging paraan para makita ko si Yoongi na nakatayo sa harap ko.
"EH BAKIT KA BA NAKAHIGA DIYAN SA SAHIG SA ORAS NA 'TO?! HINDI KA BA HINAHANAP SA BAHAY NIYO? ANONG ORAS NA AH!" sigaw niya pabalik. What? Alas-kuwatro pa lang ata nang natulog ako sa balikat ni Jimin--- at bakit ako nasa sahig?
"Ha? Anong oras na ba?" tatanga-tanga kong tanong. Nakita ko naman sa reaksyon ng kausap ko ang mga salitang, 'Hayop bakit hindi ka tumingin sa orasan, mukha ba akong may mga numero at kamay sa mata?'
"2:20am." sagot niya.
Nanlaki naman ang mata ko.
"Hindi ba at may pasok ka? Bakit ka pa nandito? At bakit ka ba nandiyan sa sahig? Ang dami-daming kama dito." sabi niya habang humihikab pa. "Ge, cr muna ako."
Tinignan ko naman ang phone ko at may mga messages na galing kay appa, Taehyung, Jimin at Jungkook.
From: Appa
Umuwi ka ng maaga ha.
From: Appa
6pm dapat nasa bahay ka na.
From: Appa
Bakit sabi ng mga tao sa bahay hindi ka pa daw umuuwi? Na kila Namjoon ka pa din ba?
From: Appa
What the? 8pm na, wala ka pa din?
From: Appa
It's 12 am now! Hindi ka pa daw umuuwi! Diyan ka na ba natulog? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag kang matulog diyan? Paano kapag may nakakita sa 'yo? Sira pangalan ng kumpanya!
From: Appa
H'wag ka nang umuwi. Hintayin mo bukas, may darating na staff diyan para sunduin ka.
BINABASA MO ANG
Shining Star
Fanfiction°•♡ °•♡ BTS FF °•♡ °•♡ Daughter of Bang Si Hyuk, friend of BTS, admirer of Jimin. I've been liking him since then because he was not that close to me before but when things are getting better between us, Jungkook comes along and jumps i...