Naalimpungatan ako nang madinig ko ang isang kanta na laging gumigising sa akin. Ah, yung alarm clock ko.
"Chong jojun balsa!" paulit-ulit na sabi ng alarm ko. Kinusot ko ang mata ko at dahan-dahan tumayo. Humikab pa ako at mas lalong ginulo ang buhok ko.
Anong oras na ba? Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table ng kama ko at napansing alas-dyes na ng umaga. Nanlaki ang mata ko. Alas-otso ang unang klase ko. O god.
Tumayo agad ako pero parang may mali. Saan ba ulit ako natulog?
Habang nagtataka, biglang nag ring ang phone ko at tumambad sa akin ang pangalan ni Jimin. Agad-agad ko itong sinagot at tinapat sa tainga ko.
"Good morning, Nica." masigla niyang bati. Napangiti naman ako. Minsan lang kasi siya tumawag sa akin.
"Good morning din." sabi ko at napahikab ng malakas dahilan para matawa ng saglit si Jimin sa kabilang linya.
"Pasensiya na nga pala at hindi ka na nagising kanina. Mahimbing din kasi tulog mo habang buhat ka ni Jungkook papuntang van hanggang sa kama mo. Naisipan na din namin na ibahin ang time ng alarm clock mo para hindi ka mapasok dahil alam naming kulang ka sa tulog." paliwanag niya.
Umawang naman ang bibig ko sa pagtatanto na iyon. "Pasensiya sa istorbo." nahihiya kong sabi.
"Wala 'yon. Kami pa nga dapat mag-sorry at napagtripan ka pa kahapon." sabi niya. Naalala ko na naman ang pag-landing ng mukha ko kaya nahiya ako bigla. Tumawa naman siya.
"Anong nakakatawa?" tanong ko.
"I can see your blushing and pouting face here." sagot niya. Damn, Jimin. Don't do this to me omg. Nakadinig ako ng sigaw sa background at pamilyar ang boses.
"Sino 'yon?" tanong ko.
"Ah. Si PD-nim. Sinesermonan si Jungkook." saad niya.
"Ha? Bakit?"
"Sinabi niya yung totoo na nangyari kung bakit hindi ka umuwi." tch. Buti naman at hindi ako papagalitan non. Iba pa naman magalit ang tatay ko. "Uh, Nica?"
"Hmm?"
"W-would it be okay kung.. punta ka sa bahay mamaya? Uh... just snacks and movie. Kung busy ka naman, okay lang."
Napasinghap ako. Omy- Kadalasan kasi kapag pupunta ako sa bahay nila, laging naroon ang ibang members para magkumpirma. May group chat kasi kami at doon kami nag-uusap lahat. Hindi sila nagddesisyon hangga't may isang umaayaw.
Pero ngayon na si Jimin lang ang nagtanong ay nakakapanibago.
"Alam ng iba?" tanong ko.
"Yung rapper line nasa sari-sarili nilang studio dito sa company. Bukas na sila makakauwi. Si Seokjin hyung magppractice ng sayaw samantalang si Taehyung at Jungkook ay magrrecording. So..."
Mas napasinghap ako at nararamdaman kong namumula ko. We're alone, then? Tatanggi pa ba ako?
"Oh. Of course. Mamaya. Wala naman kaming pasok bukas since weekend na din. Maybe I can stay until 7pm." sabi ko.
"Alright then. Sunduin kita sa bahay niyo by 2pm. Hihiramin ko na lang 'yung kotse ni manager hyung. Bye na, Nica. See you later!" sabi niya then binaba na ang call. Nagtaka naman ako. He doesn't have a driver's license, I belive. Sila ni Namjoon. But oh well.. malapit lang naman ang company dito.
Pagkababa niya, nagtititili ako mag-isa sa kwarto at tumatalon-talon sa kama. Omygosh! Jimin and I will be alone later! Walang istorbo, walang Jungkook, walang epal. Kami lang.
BINABASA MO ANG
Shining Star
Fanfiction°•♡ °•♡ BTS FF °•♡ °•♡ Daughter of Bang Si Hyuk, friend of BTS, admirer of Jimin. I've been liking him since then because he was not that close to me before but when things are getting better between us, Jungkook comes along and jumps i...