"Sigurado ka ba d'yan, Veronica? Baka naman ako ang mapagalitan." napapakamot sa batok na sabi ng manager ng bangtan. Nginitian ko naman siya.
"Hindi ka malalagot kung walang magsusumbong." kindat ko sa kanya kaya napailing na lang at bumuntong hiniga. Nag sigawan naman kaming walo nang makita ang sign of defeat ni manager. Yes! Sa bahay nila ako matutulog at walang makakaalam kung hindi kami lang. Next week pa naman ang uwi ni appa eh.
Ngayon lang namin gagawin ito dahil wala si appa kaya excited kaming lahat. Kanina pa kami nagpplano kaya ngayong matutuloy na ay tuwang tuwa kami.
"Tara na!" masiglang saad ni Hobi at naunan nang masakay sa van. Madaming fans sa labas ng kumpanya at tumili ito nang makita ang members pero wala lang sa kanila ang presensya ko hanggang sa makapasok sa van.
Wala naman kasi silang paki kung ako lang ang kasama ng bangtan dahil sabi nga nila, imposibleng magkagusto sila sa akin. Fan din nila ako at kapatid na halos ang turingan namin.
Pero kung kay Jimin, hihi. Pwede pa naman kumembot.
Nasa likod ako kasama si Taehyung at Jungkook. Nasa harap naman namin sila Jimin, Seokjin, Hobi at Yoongi. Sa passenger's seat ay si Namjoon.
"Magpapa-deliver na lang ba tayo?" tanong ni Namjoon na nakahawak sa phone niya.
"Pizza please!" malakas kong sigaw. Excited na talaga ako. Wala kasi akong kaibigan at naiinggit ako sa tuwing nakakakita ako ng mga posts ng iba na may sleepover kasama ang ibang tao, at mukhang tuwang tuwa sila. Eh bangtan lang naman ang ka-close ko sooooo...
Umupo na ako ng maayos at sisilipin sana ang twitter ko ng may nadinig akong mahina na sumitsit. Napatingin ako sa harap at nakitang si Jimin ay nakadungaw sa maliit na space na naghahati sa kanila ni Seokjin para makatingin sa akin. He just nodded kaya naguluhan ako pero naintindihan ko nang itapat niya ang phone niya sa aming dalawa.
Selfie pala.
Pinagkasya namin ang dalawa naming mukha doon habang nakasilip ako sa maliit na butas na 'yon. Tawa naman kami ng tawa nang makita ang picture.
"Ano ba 'yan, mukha kang bata." natatawang sabi sa akin ni Jimin. Tumawa na din ako.
"Ipasa mo sa akin yan, dali!" sabi ko sa kanya. Gagawan ko ng poster. Hihi.
"Sandali." sabi niya. Ilang segundo lang ay nasa akin na ang picture. Ang cute namin. Bagay kami. After niya isend 'yon ay nag text siya ulit bigla.
"Uh.. pwede bang tabi tayo mamaya?" yon ang nakalagay sa text niya.
I felt myself reddening. Omy-
Nagreply naman ako gamit ang nanginginig kong mga kamay. "Sige ba :)"
Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakasandal na siya sa upuan niya. Nang hindi siya nakatingin ay kinalabit ko naman si Jungkook na busy sa pagkalikot ng phone niya sa tabi ko.
"Ano?" inaantok niyang tanong sa akin. TInaas-taas ko naman ang kilay ko sa kanya habang nakangiti ng wagas. "Mukha kang sira ulo." hindi ko na lang 'yon pinansin at pinakita sa kanya ang text ni Jimin.
"Just like O M G." bulong ko sa kanya at kinagat-kagat pa ang braso niya dahil kinikilig ako. Hindi naman siya nasasaktan dahil ano pa nga ba, ang tigas ng braso niya eh. Pinalo palo ko pa siya ng tahimik para lang malabas ang pagkakilig ko.
"Ano ba, Nica." natatawa niyang sabi.
"Kasi naman eh." bulong ko pa. Nakita ko namang humikab siya. "Ay nako, sige na nga. Matulog ka na diyan." he just gave me a sleepy smile bago niya sinuot ang cap at mask niya para matakpan ang mukha niya tsaka siya humilig sa bintana ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Shining Star
Fanfiction°•♡ °•♡ BTS FF °•♡ °•♡ Daughter of Bang Si Hyuk, friend of BTS, admirer of Jimin. I've been liking him since then because he was not that close to me before but when things are getting better between us, Jungkook comes along and jumps i...