Sobrang boring ng Saturday ngayon. Wala ang buong BTS ngayon dahil nga may dance practice sila-- wait. Yes, dance practice. I can visit and watch! Napatampal ako sa noo ko. Bakit hindi ko naisip 'yon at tumunganga lang sa kwarto ko buong magdamag?
About sa exam ko, ayos lang 'yon. Hindi ko naman sineseryoso ang kurso ko. Culinary kasi ang kinuha ko kasi mahilig ako sa pagkain pero ayaw ko ng kahit na anong kurso kung wala namang kinalaman sa music. Ayos naman ang mga grades ko dito pero sakto sakto lang. Nakakatuwa nga at buti na lang, graduating na ako.
I really wanted to become an idol. Hanggang ngayon naman kaso masyado na akong matanda para sa pagiging idol pero why not, pwede pa naman ang choreographer, or composer and producer. I love music so much. Hobby ko ang pagsasayaw, pagkanta at pag compose ng kanta. Gusto ko din matuto ng pagproduce. Tinuturuan ako ni Yoongi pero masyado siyang busy ngayon.
Ayaw lang ni appa na may kinalaman sa music ang kukunin at magiging trabaho ko dahil mahirap daw. The hell I care tho? At least naeenjoy ko but still, napakamapilit niya.
Tumayo ako sa kama at tinali ang buhok ko. Naisipan kong mag bake muna ng cupcakes para sa kanila dahil alam kong pagod ang mga 'yon.
Pagdating sa kusina, inisa-isa ko nang iprepare ang mga kailangan ko. Bukod sa paggawa ng kanta at pag sayaw, eto na din ang pampalipas oras ko. I really don't like cooking ulam pero kaya ko. Ang gusto ko lang ay baking.
I was humming through BTS' unreleased song nang magring ang phone ko. It was a text kasi sandali lang siyang nag-ring. Inabot ko ang phone ko at nabasa ang text ni Appa.
From Appa:
I'm in America right now. Kahapon pa ako umalis. May iuutos lang sana ako. Pumunta ka ng office ko sa BigHit at hanapin mo yung kaisa-isang file sa desktop at ipasa mo sa akin through email. Ngayon mo na ipasa dahil kailangan ko na. Next week pa ako makakauwi.
Napa-buntong hininga na nga ako. Hindi na nga siya nagpaalam na aalis siya, hindi pa ako makakabake, eh inutusan pa ako. Tsk.
"Manang! Pasensiya na po pero pwede po ba paayos na lang po ng mga gamit dito? May pinapaayos po kasi sa akin si appa, eh." pakiusap ko sa isang katulong na narito sa kusina.
"Sige, iha. Ako ng bahala diyan." nakangiti niyang sabi kaya naman nag bow ako at umalis na.
Pero ayos na 'yon, makikita ko din naman ang bangtan. And I guess, I'd rather stay with them late kasi wala naman si appa kaysa naman sa mabored ako dito sa bahay.
I just took a bus dahil wala naman akong lisensiya para idrive ang sasakyan ko. Pagpasok ko ng bus, napabuntong hininga ako dahil puno na.
Walag choice kung hindi tumayo. Kinakalkal ko ang phone ko ng biglang tumayo ang lalaki sa harap ko. "Dito ka na, miss."
Nagulat naman ako. "Ay, hindi na po. Sige, okay lang." nakangiting sabi ko. Nahihiyang ngumiti lang naman siya at hinayaan akong tumayo. Hindi na naman ako nagreklamo.
"Choosy." dinig kong bulong ng isang estudyante sa likod. Hindi ko na lang pinansin.
Tao din naman ako, tulad niyang lalaki. Kaya nga may binti at paa para tumayo. Tao din naman siya, tulad kong babae. May pwet para umupo. So bakit kailangang babae lagi ang nakaupo at nakatayo dapat ang lalaki?
Kinalkal ko na lang ulit ang phone ko at nag twitter. Nakita ko namang mag DM doon ang BTS. Wala din palang kwenta dahil puro chain message ni Jin.
Nang makita ko ang bus stop, nag handa na ako para lumabas. Nakita ko namang tumayo na din yung lalaking nag-alok sa akin ng upuan kanina.
Nang huminto na, bumaba na ako at naglakad papunta sa kumpanya. Nagtaka pa nga ako dahil bakit ako sinusundan ng lalaki. Kinabahan ako bigla.
BINABASA MO ANG
Shining Star
Fanfiction°•♡ °•♡ BTS FF °•♡ °•♡ Daughter of Bang Si Hyuk, friend of BTS, admirer of Jimin. I've been liking him since then because he was not that close to me before but when things are getting better between us, Jungkook comes along and jumps i...