Hindi ko na lang pinansin si Jungkook at nanood na lang kami. Nasa akin ang mangkok ng popcorn at nang dumakot ako dito at kakainin na sana habang nanonood ay nagulat ako nang hawakan ni Jimin ang kamay ko at parang ginabayan ito sa pag-subo ng popcorn sa akin.
"Sa pisngi na naman eh." natatawa niyang saad. Nadinig kong umismid si Jungkook pero napangiti na lang ako sa ginawa ni Jimin. Anoba, kinikilig ako.
"Takaw kasi eh." bulong ni Jungkook sa gilid kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nakapokus lang siya sa TV kaya hindi niya ako nakita.
Nagpatuloy lang kami sa panonood at medyo nagtatanungan kami tungkol sa iilang scenes samantalang si Jungkook ay pabulong-bulong.
"Manood kasi."
"Puro kasi harutan eh."
"Tch."
Nakakainis ka talaga, Jeon Jungkook. Bakit ka pa ba umuwi?
Tahimik na ng biglang nagulat ako nang may gumagalaw sa ibabaw ng tuhod ko. 'Yung mangkok pala na may popcorn. Sabay kasing kumuha sila Jimin at Jungkook at sa hindi ko alam na dahilan ay hinuhuli ni Jungkook ang kamay ni Jimin at kinukurot-kurot ito kaya napapa-aray si Jimin.
"Ano bang problema mo, ha? Kumain nga kayo!" saway ko at inilapag na lang sa mesa ang mangkok kaya nanahimik na lang sila.
Tahimik na lang kami hanggang sa matapos at sa ngayong tapos na nga ay napatingin sila sa akin.
"Pft." sabay na sabi nila Jimin at Jungkook.
"Ahhhh!" pag-iinarte ko habang nakanguso dahil ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagpatak.
"Ang iyakin mo naman! Panget na nga papapangetin mo yung mukha e!" bulyaw sa akin ni Jungkook. Nakita ko siyang kumuha ng tissue at aabutin ko na sana ito ng bigla akong harapin ni Jimin at pinunasan ang mata at pisngi ko gamit ang thumb niya.
"Pft. Cute mo." nahihiyang sabi niya nang hindi makatingin sa mga mata ko. Tinitignan niya lang yung daliri niyang nililinisan ang mukha ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti habang humihikbi.
"Oo. Aso 'yan eh." gusto ko sanang batukan si Jungkook pero hindi ko magawa dahil nakahawak lang si Jimin sa mukha ko. "Hyung, baka naman mabura ang buong mukha ni Nica ah." asar niya habang natatawa.
Ngumisi lang si Jimin at umupo na ng maayos samantalang ang tainga ko ay namumula.
"Ang aga mo ata natapos, Jungkook?" tanong ni Jimin na inaayos na ang kalat sa mesa.
"Madali lang naman yung kanta. Tapos ko na lahat, eh. Ayos na naman daw yung boses ko." saad niya. Prente lang siyang nakaupo sa sofa habang nagkakalikot sa phone niya.
"Tulungan na kita, Jimin." sabi ko. Bigla naman siyang tumayo at siya na kumuha ng mga nakakalat na tissue at can.
"Umupo ka na lang diyan. Makabasag ka pa eh." mataray na saad ni Jungkook at sinundan na si Jimin sa kusina. Inirapan ko naman siya.
Biglang nag beep ang phone niya kaya nag-light up ito kaya nakita ko ang nag-send sa kanya ng message.
It was Taehyung.
Napanganga ako nang mabasa ito.
Taehyung : Tch. Bigla bigla kasi aalis eh. Sabi nila Yoongi hyung, mag stay ka dito ng buong araw para i-record lahat ng kanta mo. Lagot ka kay manager hyung.
Bigla naman bumalik sila Jimin at Jungkook kaya napaayos ako ng ngiti.
Bakit siya umalis doon? Para makinood dito?
BINABASA MO ANG
Shining Star
Fanfiction°•♡ °•♡ BTS FF °•♡ °•♡ Daughter of Bang Si Hyuk, friend of BTS, admirer of Jimin. I've been liking him since then because he was not that close to me before but when things are getting better between us, Jungkook comes along and jumps i...