CHAPTER 8: WELCOME TO THEIR REST PLACE

1.2K 24 0
                                    

Savanna's P.O.V.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway mag-isa wala kasi sila kath at Ela dahil may practice si kath ng cheering while si Ela naman Ay sa volleyball.

Okay back to the story habang naglalakad ako bigla ba namang may humila sa akin pagtingin ko si Mark lang pala.

Hinila lang niya ako ng Hinila sa kung saan hanggang sa tumigil kami sa isang medyo malaking kubo na may malalaking bintana at pinto. Teka ! Baka ito yung sinasabi nila Ela sa akin na rest place ng Mga heartthrobs nila. Pero bakit niya ako dinala dito ??

"Why did you bring me here ??" Tanong ko kay Mark habang hinihila niya ako papasok.

"Wala lang cutting tayo." Sabi niya habang nakatingin sa harapan niya ng Hindi ako nililingon.

"But---" Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang sumabat.

"No buts" Tumingin siya saglit sa akin sabay tingin sa harap at sumigaw.

"Hey everyone !! Nandito na siya !!"

Tumingin naman silang lahat sa akin. Yes Nandito ang lahat ng heartthrobs ngayon including Zayne Sungit.

"SAVANNA !!!" Sabay na Sigaw nina Carlo at Daniel sabay takbo palapit sa akin. Yayakapin na sana ako ng dalawa ng humarang si Mark at tinignan sila ng masama.

"Hehe sabi nga namin bawal eh .." Sabi ni Daniel habang nagkakamot ng batok sabay tingin sa akin at ngiti. Nginitian ko naman siya pabalik.

"Tara na tol bawal nga eh ikaw kasi eh." Sabi ulit ni Daniel at Hinila si Carlo pabalik sa sofang inuupuan nila kanina. Napailing naman si Mark.

"Upo ka muna kahit saan mo gusto kuha lang ako ng makakain." Sabi ni Mark at naglakad na palabas ng kubo. Nginitian ko lang siya Tinatamad kasi akong magsalita eh.

Umupo naman ako sa tabi ni Zayne yun na lang kasi ang bakanteng upuan. Dahil sa Luke nakahiga sa sofa habang natutulog, si Lanz naman nagbabasa at Nung Nakita niya ako nginitian lang niya ako. Habang sila Daniel at Carlo naman naglalaro ng cards at yung katabi ko naman Ay busy sa pagcecellphone.

Anyways ang itsura ng loob kubo na to Ay kahoy ang floor, Tapos may tatlong katamtaman ang laki na sofa,  Tapos isang center table saka may ref sa gilid at dalawang pintuan yung isa sa tingin ko Ay C.R. while ung isa Mukhang kwarto.

Makalipas ang ilang minuto dumating ba si Mark habang may dala-dalang tray ng maraming juice at cake.

"Gusto mo ?" Offer niya sa akin. Kumuha lang ako ng juice. Nauuhaw kasi ako eh.

"Hindi ka kakain ng cake ?" Nagtatakang tanong niya. Umiling naman ako saka ngumiti.

"Nah, I'm not starving." Sabi ko. Inilagay naman niya yung tray sa center table at sabay sabay silang  nagsikuha ng pagkain except kay Luke na natutulog pa rin at kay Zayne Sungit.

Pagkatapos naming --- I mean sila lang pala na kumain biglang nagsalita si Carlo.

"Hey Sav !! Dba friends na tayong lahat ?" Tanong ni Carlo

"Yes, why ?" Nagtatakang tanong ko

"Eh kasi --- Pwede bang magsabi ka nang tungkol sa sarili mo ?? Tutal Alam mo na ang lahat sa amin." He said. Wait ! What ?! How did he know ?! Kumunot naman ang noo ko kaya napatawa siya sa naging reaction ko.

"Sabihin na nating may source kami." He said and smirk kaya naparoll-eyes ako.

"Okay I'll start now. I'm Savanna Mika Grace Anne G. Smith. I'm 15 years old. I'm half Filipino, 1/4 Korean and 1/4 American. My mom is pure filipino while my father is 1/2 American and 1/2 korean. I'm here in this province because my mom and dad wants me to experience living a simple life. That's all."

Mr. Suplado meets His Match [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon