CHAPTER 12: BEAUTY CONTEST; PART 1:

1K 20 0
                                    


Savanna's P.O.V.

(1 week later)

Sa isang buong linggo na nagdaan palaging sina Ela at kath lang ang Kasama ko. At sa buong linggo na yun hindi nagpakita ang kahit ni isa sa mga heartthrobs. Mas mabuti nga yun para hindi ako guluhin ng mga fans nila. Tsk.

BTW next week may gaganaping beauty contest. Bawat section Ay dapat may representative na isang lalake at isang babae. Yes Bawat section unti lang naman kasi ang section Bawat grade level eh. 2 sections sa first at second year at sa 3rd at 4th naman Ay 3 sections. So bali 10 girls at 10 boys ang kasali.

So ngayong araw na ito magbobotohan sa classroom namin kung sino ang isasali sa contest. Hinihintay na lang namin ngayon ang adviser naming dumating. Pagkalipas ng ilang minuto dumating na si ma'am.

"Goodmorning class." Bati ni ma'am

"Goodmorning ma'am." Bati din namin sa kanya.

"Pwede na kayong magsi-upo." Nagsiupo naman kami kaagad

"So class Alam Kong excited na kayo kung sino ang isasali natin sa contest. So hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Magtaas ng kamay kung may gusto kayong kamag-aral niyo na gustong isali. Magsimula muna tayo sa lalake." Panimula ni ma'am. Marami namang nagtaas ng kamay. Tinawag naman ni ma'am si Angie. Remember yung tomboy naming classmate ?

"Yes Angie ?"

"Ma'am Dba sabi ko sayo Angelo ang itawag mo sa akin ?" Reklamo ni Angie ---- i mean Angelo kaya napatawa kaming lahat including ma'am.

"Oo na. Oo na. Sige na sino na ang gusto mong maisali?." Natatawang sabi ni ma'am.

"Ma'am si John Felix !!" Nakangising sabi niya. Sumang-ayon naman ang lahat ng classmates ko. Kaya wala ng nagawa pa si John Felix kundi magkamot ng ulo. Well may itsura naman si John Felix kaya lang kapag ikukumpara mo siya sa mga heartthrobs walang wala siya. Wait ! Bakit ko ba sila pinagkukumpara ?!

"Okay so sa lalake si John Felix. Sino naman sa babae.?" Tanong ni Ma'am at lahat sila including Ela Ay sumigaw ng Savanna. Wait !! What ?! Why me ?!

"Huh ? Why me ?" Gulat Kong sabi.

"Eh kasi mahal Kong pinsan nasa iyo na ata ang lahat eh. Kagandahan, Kaseksihan, Katalinuhan, Kabaitan lahat lahat na !" Sabi ni Ela na sinang-ayunan ng lahat ng classmates ko. Kaya wala na akong nagawa pa.

"Okay so settled na ang lahat ang representative natin sa boys Ay si John Felix Delgado habang sa girls naman Ay si Savanna Mika Grace Anne Smith." Nakangiting sabi ni Ma'am.

"Ms. Smith kaya mo bang magprovide ng sarili mong attire ? Pati ikaw Mr. Delgado.??" Tanong ni ma'am sa amin ni John Felix.

"Yes ma'am/ Oo naman ma'am !" Sabay naming sagot ni John Felix.

''Oh okay so ang gagawin na lang natin Ay ang ipractice kayo sa Q and A portion, sa talent portion at sa way ng paglakad niyo. So anyway Mr. Delgado anong talent mo ?" Baling ni ma'am kay John Felix.

"Kaya kong sumayaw ma'am !!" Masiglang sabi ni John Felix

"Oh maganda yan. Ikaw naman Ms. Smith." Tanong naman sa akin ni ma'am.

"Uhmmm I can dance too and sing." Sagot ko naman.

"Oh ! Mabuti naman. Hala sige Punta na tayo sa isang bakanteng classroom at doon tayo magpapractice buong araw pati na rin sa buong linggo. Ieexcuse kayo ng principal buong linggo. Sige Tara na."

"At kayo naman! Huwag kayong mag-iingay ! Hintayin niyo ang teacher ba Papalit muna pansamantala sa akin." Baling naman ni ma'am sa mga classmate namin.

Lumabas na si ma'am kaya sumunod na rin kami ni John Felix. Pumunta kami sa isang bakanteng classroom Mukhang kalilinis lng ito kasi may mga panlinis pa sa gilid ng classroom.

"Kalilinis ko lang ang classroom na ito kahapon. Nakipag-agawan pa nga ako sa ibang mga guro para lang makuha etong classroom na ito eh. Hehe. Ewan ko ba kasi sa principal kung Bakit gustong individual ang pagpapractice. Kahit na sana sa paglakad lang sama sama kayong lahat magpractice." Reklamo ni Maam na Parang bata. Nagkatinginan naman kami ni John Felix at sabay na Napailing.

"Btw anong sasayawin mo Mr. Delgado ?"

"Hindi ko pa Alam Ma'am eh !"

"Why don't you try korean pop music ? So that it will be unique." Suggest ko sabay upo sa sahig sa may gilid ng classroom. Hindi naman masyadong malaki ang classroom na ito katamtaman lang

"Oo nga noh !! Astig yun !!" Excited na sagot ni John Felix. Kaya lang nung may naalala ata siya bigla siyang sumimangot.

"Why ?" Takhang tanong ko. Napakamot naman siya ulo niya.

"Eh wala naman kasi akong Alam na music ng korean eh." Nakasimangot na sabi niya. Kaya napatawa ako.

"Don't worry I have dozen of those on my phone."

So ipinanuod ko sa kanya lahat ng music video at dance practices ng mga kpop sakanya. Medyo natagalan kami sa pagpili kasi maraming magaganda pero sa huli ang napili niya Ay ang GROWL ng EXO. Good Choice. Idol ko yang mga yan eh. Ang gwagwapo kasi haha.

Tinuruan ko si John Felix sa sayaw ng Growl. Prinactice ko kasi yan sa US kaya Alam ko. Madali lang naman siyang turuan. Buong araw lang Kaming nagpractice ni John Felix dinadalhan lang kami ni Ma'am ng pagkain every break time kaya hindi na kami lumalabas pa ng classroom. Ang napili ko namang kanta Ay ang Mr. Mr. Ng Girls Generation. Madali lang naman siyang sayawin kaya ang Problema ko na lang Ay yung kanta. Mga 5:00 pm na ako nakauwi I mean kami pala kasi pinanuod kami ni Ela magpractice.

Kinabukasan ganun pa rin ang routine pati Nung mga sumunod pa na mga araw. Pati Nung Saturday at Sunday nagpractice din kami. Sa mga araw na yun Prinactice lang ni John Felix ang sayaw at rampa niya pati na rin ang mga possibleng itanong sakanya habang ako naman Ay Prinactice ko rin ang kanta at sayaw ko pati na rin ang Pag rampa at pagsagot sa Q&A Portion. Nahirapan lang si John Felix sa mga question na ibinigay ko sakanya hindi kasi siya masyadong marunong mag-english kaya ang sabi ko sakanya magtagalog na lang siya.

------------------------------------------------

Mr. Suplado meets His Match [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon