CHAPTER 39:

991 13 0
                                    




Savanna's P.O.V.



(The next day)



Hindi ko alam kung pagkakatiwalaaan ko ba siya o hindi. Ang hirap lang kasing magtiwala ulit. Haayyss .. What should I do ???

Napatigil ako sa pag iisip ng biglang sabay na umiyak sina Rayne at Cayne. Kinuha ko kaagad yung feeding bottle nilang dalawa na may laman ng gatas saka ko ibinigay sakanila. Kaagad naman silang tumigil sa pag iyak at saka ngumiti Habang nasa bunganga nila yung dede. 

"Besty !!" Lumingon kaagad ako kay Besty na Kakapasok lang ng kwarto. Nakabusangot ito. Ano nanamang problema niya ?

"What's with that face ?? Any problems ?" I ask.

"Why didn't you tell me ?"

"Tell you what ?"

"Besty naman eh !" Lumapit siya sa akin at pinalo ako sa braso.

"Ouch ! Besty !"

"Ikaw ha bat di mo ako tinawagan na nandidito pala si Zayne Lee kahapon ? Yan tuloy yung secretary niya yung na meet ko ! Mukha pa namang higad yung secretary niya ! Nakakainis !" Pinagpapalo niya ako sa braso dahil sa inis niya. Mukha ba akong labasan ng sama ng loob ?

"Yah ! Yah ! Besty masakit !"

Saka lang Napatigil sa pagpalo sa akin si Besty ng biglang umiyak yung kambal.

"B-bad !!" Sigaw ni Rayne at saka niya Tinignan ng masama si Besty pati na rin  Cayne nakatingin ng masama kay Besty. Nagkatinginan kami ni Besty at sabay na napatawa.

"Hahahaha this is awesome ! Looks like the twins doesn't want you to get hurt !"

"Yeah ! Hahahaha My babies are so cute ! Omo ! I'm so proud !"

Pagkatapos ng Tawanan session namin ni Besty Binuhat kaagad namin ang kambal dahil bigla nanaman silang umiyak. Hahahaha.

Btw mamaya pupunta kami sa bahay nila Arkisha para bisitahin siya. And I can't wait to see her again.

"Besty what time tayo pupunta kay Arkisha ?" Tanong ni Besty na nakaupo sa isang side ng sofa.

"Maybe after lunch ? Pakainin muna natin itong kambal."

"Ok."

Hindi nagtagal at naghanda na rin kami ng lunch namin. Nagluto lang kami ng simpleng adobo na favorite ni Besty.

"Kainan na !" Excited na sabi niya habang parang kumikinang ang mga mata niya. Nagsandok kaagad siya ng pagkain niya habang ako napapailing na lang sa katakawan niya. Naghanda lang ako ng oatmeal para sa mga bata at Pinakain din sila Habang kumakain din ako.

Pagkatapos naming kumain si Besty ang naghugas ng mga pinagkainan namin dahil kailangan ko pang paliguan ang kambal. Una kong pinaliguan si Rayne dahil medyo malikot ito at Inilagay ko muna si Cayne sa may crib hindi naman yan malikot eh.

"Mamamamamama .." Salita lang ng Salita si Rayne Habang pinapaliguan ko.

"Baby say mommy .." Utos ko dito.

"Ma-ma.." Sabi nito.

"Mo-mmy .." Sabi ko dito saka ko binagalan ang pagsasalita.

"Ma-ma .." Sabi niya ulit. Haysst .. Ok fine Mama na nga lang. Napailing na lang ako at saka ko sinabunan yung body niya.

Pagkatapos kong paliguan si Rayne Pinalitan ko muna siya bago ko siya ibinigay kay Besty. Sunod ko namang pinaliguan ay si Cayne na Tahimik lang habang pinapaliguan ko.

"Baby say Mo-mmy.." Utos ko dito. Malay mo masabi niya Dba ?

"Ma-ma .." Mahinang sabi nito. Sabi ko nga mama na lang eh.

Pagkatapos kong paliguan si Cayne Pinalitan ko muna siya bago ko siya Inilagay ulit sa crib ibinigay ko lang sakanya yung fish niyang laruan para hindi siya umiyak.

Sumunod naman akong Naligo. Mabilis lang akong Naligo baka kasi biglang maghanap si Cayne. Pagkalabas ko ng banyo naabutan kong nasa tabi na din ni Cayne si Rayne na Salita ng Salita ng kung ano ano. Natawa na lang ako sa itsura ni Cayne na ang sama ng tingin kay Rayne. Unti unti akong lumapit sa kanila hanggang sa napansin nila ang presensya ko. Kaagad nilang Itinaas ang dalawang kamay nila at Nagpabuhat. Binuhat ko naman silang dalawa.


"Mamamamamama .. " Salita lang ng Salita si Rayne habang pababa kami sa may hagdan. Pagkababa namin nadatnan namin si Besty na nakaupo sa sofa. Ang Bilis naman niya. Naligo ba siya  ?


"Did you take a bath ?" I ask her as soon as she sees us.  Napataas naman siya ng kilay.


"Of course. Masyado ka lang mabagal maligo no." Sabi nito. Napangiti naman ako.


"Okay." Nakangising sabi ko.


"Naligo nga ako eh !" Sabi nito ng Nakasimangot na. Haha sarap niya talagang pagtripan.


"Hmp ! Tara na nga !" Padabog niyang sabi saka niya kinuha sa akin si Rayne at nauna ng lumabas. Haha Pikon. Niloloko ko lang naman siya eh. Hanggang sa paglabas ko sa bahay ay nakangisi pa rin ako. Pati Nung nasa sasakyan na kami.

After Siguro ng 15 minutes ay nakarating na kami sa bahay nila Arkisha. Ang laki na ng pinagbago nito Simula ng last ko itong nakita. Mas lalo itong lumaki. 

Pagkababa namin sa kotse si Besty na ang kumatok sa pintuan.

*knock* *knock*

Kaagad naman itong nagbukas.

"Si— OMG !!!" Gulat na napatingin sa amin si Arkisha na gulo gulo pa ang buhok na parang kagigising lang.


"Sinong pumuyat sayo ?" Tanong kaagad ni Besty na nagpangisi sa akin. Namula naman ito ng husto.

"W-wala n-no !!" Tanggi nito sabay iling iling pa saka niya inayos yung buhok niya.

"Okay ! Wag kang masyadong defensive. Haha. So hindi mo ba kami papapasukin ?" Nakangising sabi ni Besty. Napakamot naman ito sa ulo niya saka niya iniopen ng husto yung pinto kaya pumasok kaagad kami at dumeretso sa may sala.


"Btw kaninong Anak yang mga yan ?" Tanong ni Arkisha na may hawak hawak ng juice sabay upo sa kaharap naming sofa.


"Mine." Sabi ko dito. Napanganga naman siya.

"Sinong ama ??????"


"Guess who." I smirk. Tinitigan niya naman ang kambal. Ilang segundo niya ring tinitigan ang kambal hanggang sa unti unting lumaki ang mga mata niya.


"OMG !! PRINCE ZAYNE LEE !" Sigaw niya. Hanggang ngayon ba naman Prince pa rin ang tawag nila kaynila Zayne. Psh.


"The one and only." Nakangising sabi ni Besty.

"OMG ! OMG ! Alam niya na ba ha ???"


"Yeah."


"So anong plano niya .. I mean niyo ??" Napabuntong hininga na lang ko.


"I'm not in the mood to talk about it." Nahalata niya sigurong ayaw kong pag usapan ang bagay na yun kaya napatango na lang siya.


"Okkaaayyy .."



"So for now let's just enjoy ourselves !" Pag chachange topic ni Besty kaya napatango na lang kami ni Arkisha.


"Pero bago yun .. Panggigigilan ko muna ang mga anak mo !!" Excited na sabi ni Arkisha saka niya nilapitan ang kambal at kinurot sa pisngi.



******



Mr. Suplado meets His Match [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon