CHAPTER 41:

969 15 0
                                    

Savanna's P.O.V.

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Inilibot ko ang aking paningin and then realization hits me. I am here at Zayne's Room. Wait ! Where's my twins ?! Tatayo na sana ako para hanapin ang kambal ng may nakita akong note sa may side table.

Don't worry the twins are with me.

         ~Z.Lee

Napahinga naman ako ng maluwag sa nabasa. Akala ko kung ano na ang nangyari. Tumayo ako sa kama at dumeretso sa may harap ng salamin. Gosh ! My eyes looks swollen. Para akong kinagat ng napakaraming ipis. Goodness !

I decided to ponytail my hair into a messy bun. Dumeretso ako sa banyo at naghilamos. Pagkatapos kong gawin yun ay bumaba na ako. Pagkababa ko naabutan kong nasa sala si Zayne at ang kambal and they are sleeping. Nasa dibdib ni Zayne ang kambal habang mahigpit na nakayakap si Zayne sakanila. They look so cute while sleeping. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Nabaling naman ang tingin ko sa mga sobrang daming mga laruan na nakakalat sa may lapag. Saan Galing ang mga yan ? Napakibit balikat na lang ako at saka ako pumunta sa mga laruan na nakakalat at inayos ang mga ito.

Habang inaayos ko ang mga laruan hindi ko namalayang nagising na pala si Zayne.

"Hi, you okay now ?" Tanong nito habang nagkukusot ng mata.

"Bat jaan kayo natulog ?" Tanong ko.

"So lazy to go up stairs."

"Masyado ka bang pinagod ng kambal ?" Tumayo na ako ng matapos kong ayusin ang Mga laruan at ipinunta ito sa may gilid. Ramdam ko din ang titig sa akin ni Zayne.

"Not that much." Sagot nito sa akin. Lumapit naman ako sa kanila at Binuhat sina Rayne and Cayne para hindi siya mahirapan. Bumangon siya at umupo.

"I'll carry Rayne." Sabi nito kaya ibinigay ko sa kanya si Rayne.

"What time is it ?" I asked as soon as I sit on the sofa.

"3 in the afternoon. And you skipped lunch. I didn't bother to wake you up cause you seem so tired."

"Hindi naman ako gutom. Eh yung kambal kumain na ba ?"

"Yeah. Mom bought them a lot of feeding bottle and milk. She even bought them clothes and everything." I smiled at hindi na nagsalita.

"Dito na kayo Matulog." Sabi nito. I mean it's more on a command.

"But how about—"

"Don't worry about your friend malaki na siya. And about your clothes don't worry marami si mommy or either bibilhan na lang kita. By the way what's your size ? Medyo tumaba ka kasi." Inirapan ko naman siya. Anong Tumaba ?! G*go ba siya ?!

"What ?" Natatawang sabi niya.

"Hindi ako Tumaba no !"

"Ah ok." Sabi niya pero para pa rin siyang natatawa. Kaya sinipa ko na siya sa may paa.

"Oo na ! Oo na !" Sabi nito. Mas lalo ko naman siyang inirapan.

"Che ! Bahala ka sa buhay mo ! Uuwi na kami ng kambal !" Akmang kukunin ko na si Rayne mula sa kanya ng inilayo niya ito mula sa akin.

"You're not going anywhere." Sinamaan niya ako ng tingin.  Oo na edi siya na ang nakakatakot !

"Oo na ! Just don't annoy me anymore !"

Natigil kami sa pag aaway ni Zayne ng biglang dumating si Tita Zandra.

"What's happening here ?" Takhang tanong nito.

"Ah .. Nothing Tita." Sagot ko dito. Tumango tango naman ito.

"Ah ganun ba. By the way iha dito ka na Matulog and I don't take no as an answer." Sabi nito. Sabi ko nga mag ina talaga sila ni Zayne.

"Uhmmm .." Napalingon naman ako kay Zayne na nakangisi na ulit saka siya inirapan. "O-okay po Tita."

"Good !" Nakangiting sabi ni Tita. "Akin na muna ang kambal at patutulugin ko sila sa kwarto namin. Mag bonding muna kayo jaan." Kinuha sa amin ni Tita ang kambal saka Mabilis na tumaas. Napakamot na lang ako sa ulo ko at Napailing.

"Let's go." Biglang sabi ni Zayne at Hinila ako.

"Where are we going ?"

"I'm hungry. I wanna eat."

"Teka ! Wag mo akong idamay !"

Wala na akong nagawa pa dahil nahila niya na ako.

*****

Nakatitig lang ako kay Zayne habang nagluluto siya.

"I'm going home next week." Saad ko. Hindi man lang siya napalingon sa akin.

"If you're worrying about your studies na transfer na kita sa school ko. And about sa bussiness niyo ng kaibigan niyo okay na yun ako na ang bahala sa lahat tutal kasal naman na tayo eh ibig sabihin kung ano ang pag aari ko pag aari mo na rin at kung ano naman ang pag aari mo pag aari ko na rin." Teka ..

Processing ...

Processing ...

"Teka ! Kailan pa tayo ikinasal ?!?!" Napatayo ako sa gulat. D*mn. I can't remember na ikinasal na kami ni Zayne.

"Remember the papers that you signed when you were still in Korea ? The one you signed before you go in here ?"

O_O

Don't tell me .... Yung papers na Pina sign sa akin ni Besty bago kami pumunta dito sa Pilipinas !! Don't tell me kasabwat si Besty ?! Gosh ! Ang tanga tanga ko talaga bat di ko kasi binasa muna yung content ng papers na yun bago ko Nilagyan ng sign ko ?!?!

Binigyan ko naman siya ng isang masamang tingin. "Kasabwat mo si Besty no ?!" Tanong ko dito. Lumingon naman siya sa akin at ngumisi.

"What do you think ?"

"Grrrr ! Ang sama niyo ! Pinagkaisahan niyo ako !" Reklamo ko.

"Well that's the only way to make you come back to the Philippines." Nakangisi niyang sabi bago niya itinuloy ulit yung ginagawa niya kanina.

Tumahimik na lang ako at umupo ulit. Haayysstt ano pa bang magagawa ko eh nasignan ko na.

"Let's eat." Inilapag ni Zayne ang isang malaking mangkok ng adobo, Sinigang na baboy at kung anu ano pa. Sobrang dami Pakshet mauubos ba namin yan ?!

"Eat now." Utos ni Zayne saka siya umupo sa harapan ko at sinandukan ako ng napakaraming Pagkain. Wala akong nagawa kundi ang kainin yun kasi kung hindi baka makipag away nanaman ako kay Zayne. Alam niyo naman kung gaano katigas ang ulo niyan.

Sa kalagitnaan kami ng pagkain ng mga inihanda ni Zayne ng dumating ang mga mokong na walang iba kundi sina Mark. Haayyss buti naman may Kasama kami sa pag ubos ng mga pagkaing ito.

"Uy pagkain !" Excited na sabi ni Daniel.

"Kain kayo." Yaya ko sa kanila. Nag sikuha naman kaagad sila ng mga Plato nila at saka sila Umupo at kumuha ng mga pagkain.

"Sakto kanina pa kami gutom !" Saad nila kita ko naman ang pag irap ni Zayne.

"Morons." Rinig kong bulong ni Zayne habang nakatingin ng masama sa mga mokong.


Problema nito ?


******

Mr. Suplado meets His Match [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon