"Anong Daan?"
Mahal?
Kamusta ka na?
Ikaw ay ayos lang ba?
Bakit mo ako iniwan?
Nais kong malaman ang iyong dahilan
Ginawa ko naman ang lahat ngunit hindi pa din ba sapat?
Anong daan ang aking tatahakin para madama ang aking inaasam na kalayaan?
Mahal na mahal kita ngunit ako'y iyong nagawang iwanan
Saan nga ba ako nag kulang?
Ipinadama ko naman ang lahat ng iyong inaasahan
Inalagaan, Pinahalagahan at Iningatan
Iyan ang binigay ko sayo pero nagawa mo parin akong iwanan
Anong daan ang aking tatahakin upang makalimutan ko na ang aking nararamdaman?
Ilang taon,buwan,oras at minuto ang masasayang upang ikaw ay aking malimutan
Pakitulungan naman ako para malaman ko kung anong daan,
Anong daan palabas sa dimensyon mo
Na onti onting winawasak ang puso at pag katao ko
Pasensiya na kung ikaw ay aking pinipigilan hindi ko kaya na ako'y iyong iwanan
Pakituro naman kung anong daan papalabas sa puso’t-isip mo
Bigyan mo naman ng direksyon ang buhay ko para maging masaya ako
Kaya pakituro naman kung anong daan papalayo sayo
Para makabuo ako ng bagong ako na wala ka na sa buhay ko.

BINABASA MO ANG
Sa Ilalim ng Tinta
Thơ caSa likod ng mga tinta ng panulat at papel may mga tulang nabubuo, Tula na para gisingin ang sarili sa mga sakit at pighati, tula na para maibahagi lahat ng karananpsan na pinagdadaanan at higit sa lahat tula na para sa lahat. Ito ang iba't- ibang mg...