"Matematika ng Tayo"

Akala ko noong ako'y bata pa
Sobrang saya at dali ng matematika
Yung tipong 1 + 1 lang may sagot na
Walang ng ibang prinoproblema dahil ang mga numero ay naging kuntento sa isa

Habang ako tumatanda matematika biglang nag iba
Pag aaral sa Algebra'y naging komplikado na
Napunta kay X na laging hinahanap at pinupuntirya
Si X na hindi na lamang makuntento sa pagiging isang letra

Pilit intindihin at pagaralan ang mga numero't letra
Pilit na ibinibigay na ang lahat ngunit hindi pa din sapat
Kahit pag iba ng solusyon ay hindi ko magawa dahil tila ikaw padin ang sagot sa lahat
Ewan ko ba kung bakit kahit anong pilit ko sayo padin bumabagsak

Ang pag hihiwalay ng letra't numero ay dapat mag kapantay
Sa pag kuha ko ng sagot na akala ko'y tama ito pala'y onti onting lumalayo na
Onti onting isinu-subtract ang ako sa salitang "tayo"

Onti onting dumadagdag ang panibagong "kayo"
Onti onting hinahato  ang puso ko sa pag ka buo ng bagong formula "niyo"
Kahit pilit ko paramihin ang rason upang ako ang ipaglaban mo
Ngunit wala akong magagawa siguro nga mali ang solusyon na ginagawa ko kaya tuluyan ng nawala ang tayo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Ilalim ng TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon