“Walang Kasiguraduhan”
Masaya tayong dalawa
Masayang nag kwekwentuhan
Masayang nag lalambingan
Nag bitaw ng mga salitang
Na nag silbing dugo na nananalantay sa aking katawan
Sinabi mo na ako ang iyong mahal
Sinabi mo na hindi mo ako susukuan
Nangako ka diba?
Nangako na hindi mo ako papabayaan
Nangako ka na lagi kang nandiyan
Nangako na sabay tayong lalaban
At buong buhay na mag mamahalan
Umasa na hindi mo iiwan
Ngunit bakit tayo dumating sa hangganan
Dumating sa bagay na walang kasiguraduhan
Dumating sa puntong hindi ka na lumaban
Walang kasiguraduhan na tayo'y mag kakabalikan
Walang kasiguraduhan kung may mababalikan
Kung ang mga masasayang alaala ay madadagdagan
Hindi sapat na dahilan ang iyong binitawan
Upang buhay ko'y sumaya?
Upang buhay ko'y gumanda?
Mga dahilang walang kwenta
Pero lagi mong tatandaan sa salitang walang kasiguraduhan
Laging may “Ako” na nag iintay.
BINABASA MO ANG
Sa Ilalim ng Tinta
PoetrySa likod ng mga tinta ng panulat at papel may mga tulang nabubuo, Tula na para gisingin ang sarili sa mga sakit at pighati, tula na para maibahagi lahat ng karananpsan na pinagdadaanan at higit sa lahat tula na para sa lahat. Ito ang iba't- ibang mg...