Pag ngiti kahit ang sakit sakit na
Pag tawa kahit durog na durog na
Pag papasaya kahit hindi ko na kaya
Diyan sa mga bagay lang naman ako magaling eh, Yan lang yung talento ko pero parang napupurol na? Siguro kasi hindi ko na kaya
Hindi ko na kaya kasi nakakapagod na
Pagod na ako mag pasaya ng iba,
Pagod na ako na ngumiti kahit hindi naman talaga ako masaya
Mas lalong pagod na pagod na akong itago yung nararamdaman ko sa isang maskara
Kailan kaya na ako naman yung papangitiin?
Kailan ko kaya mararamdaman na hindi ako yung tipo ng taong nakakapagod?
Sino kaya yung taong gagawa nun sakin?
Meron kaya?Asan ka na?
Sana kung sino ka man dumating ka na
Hindi ko na kaya ako'y pagod na pagod na.
BINABASA MO ANG
Sa Ilalim ng Tinta
PoesíaSa likod ng mga tinta ng panulat at papel may mga tulang nabubuo, Tula na para gisingin ang sarili sa mga sakit at pighati, tula na para maibahagi lahat ng karananpsan na pinagdadaanan at higit sa lahat tula na para sa lahat. Ito ang iba't- ibang mg...